PORKCHOPS with TOMATO LIVER SAUCE
The last time nag-groceries ako, nakita ko itong bagong product ng Del Monte. Sauce Sulit Sarap Liver Spread ang nakalagay. Kumuha ako ng isa kahit hindi ko pa alam ang paggagamitan ko nito. Syempre ang una agad na naiisip ko na paggagamitan nito ay lutong caldereta.
Nitong isang araw, may nabili akong more than 1 kilo na porkchops. Hindi ko pa alam kung anong luto ang gagawin ko dito. Kung ipi-prito naman kako, baka naman masyadong matigas para sa mga bata. Unang plano ay i-pork steak ko ito. Per last minute ay nabago ang lahat ng plano.
No regrets, masarap naman ang kinalabasan ng dish na ito...hehehehe. It's a dish in between pork steak at caldereta....hehehehe.
PORKCHOPS with TOMATO LIVER SAUCE
Mga Sangkap:
1 kilo Porkchops
1 tetra pack Del Monte Sauce Sulit Sarap Liver spread
2 pcs. Potatoes cut into cubes
1 cup Soy Sauce
2 tbsp. Worcestershire Sauce
1/2 cup chopped Parsley
1 tsp. ground black pepper
Salt to taste
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1 tbsp. Cornstarch
5 cloves Minced Garlic
1 large Red Onion chopped
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ang porkchop ng asin at paminta at hayaan muna ng mga 15 minuto.
2. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang porkchop hanggang sa pumula lang ng konti o mawala ang pagka-pink ng karne.
3. Isalin sa isang kaserola at ilagay ang toyo, worcestershire sauce at mga 2 tasang tubig at saka isalang muli sa apoy. Hayaang kumulo hanggang sa lumambot ang karne. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
4. Kung malapit ng lumambot ang karne, ilagay ang patatas, bawang at sibuyas.
5. Ilagay na din ang Del Monte Sauce Sulit sarap Liver spread. Hayaan ng mga 5 minuto.
6. Timplahan ng maggie magic sarap. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8. Ilagay ang kalhati ng chopped parsley 1 minuto bago hanguin ang porkchops.
9. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw an natitira pang parsley.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments