JAPANESE CHEESE CAKE - In a Turbo Broiler?


Sa aking pagbabalik sa munti kong food blog na ito, isang espesyal na dessert ang aking inihanda. Sa totoo lang, first time ko lang gumawa nito at sa turbo broiler pa ha. Hehehehe. Hindi man kasing perfect ng luto sa oven, masasabi kong tagumpay din ako sa luto kong ito. Medyo natatakot nga ako subukan ito kasi nga masyadong mahal ang mga sangkap, bukod pa sa experimental talaga ang ginawa ko. Ang pinagbasihan ko pala sa recipe na ito ay ang recipe ni Ms. Connie Veneracion ng www. pinoycook.net. May mga ilang parte lang na in-omit ko dahil wala ako ng sangkap na yun....hehehehe. But in general, masarap naman ang kinalabasan niya.

JAPANESE CHEESE CAKE

Mga Sangkap:
1 250 g. block of cream cheese
1/4 cup butter
1/3 cup Alaska Sweetened Evap
1/4 cup harina
1/2 tbsp. of lemon juice or calamansi
1 tsp. of vanilla
6 eggs paghiwalayin ang pula sa puti
3/4 cup of white sugar


Paraan ng pagluluto:
1. In a double boiler, tunawin ang cream cheese, butter at gatas hanggang sa smooth na ito. Palamaigin.

2. batihin ang puti ng itlog at unti-unting ilagay ang asukal hanggang sa foamy na ang mga ito.

3. Sa pinalamig na cream cheese, ilagay ang harina, at binating pula ng itlog. Haluing mabuti.

4. Ihalo ang binating puti ng itlog. Huwag masyadong haluin para hindi mabasag ang bubbles ng mixture.

4. Ilagay sa isang round na baking pan. Takpan ng aluminum foil.

5. Lagyan ng 2 tasang tubig ang turbo broiler at painitin sa 310 degree. Hayaan muna ng mga 5 minuto.

6. Ilagay ang lulutuing cake at i-set ang turbo broiler sa 60 minutes.

7. After 60 minutes, alasin ang aluminum foil. Muli i-set ang timer sa 25 to 30 minutes.

8. Lutuing muli hanggang sa pumula ang ibabaw ng cake.

Palamigin muna bago ihain.

Enjoy!!!

Comments

cool fern said…
welcome back,dennis..
bonggang bonga naman tong una mong niluto...hahaha
i'm sure ok na ang camera mo...
kasi yon ang sabi mo dito na pinapa ayos mo ang camera mo...
Dennis said…
Yup...nagawa na ang digicam ko...kaya eto balik sa aking libangan. Wish ko lang sana magkaroon ako ng medyo magandang camera para maganda ang mga pict ng niluluto ko.

Bonga ba ang aking pagbabalik? hehehe...Ang tapang ko ano? nag-bake ako ng cake using turbo broiler...hehehehe....actually may palpak din na nangyari...pero sa akin na lang yun....hahahahaha.

Dennis
cool fern said…
hi dennis, when u talk of magandang digi cam?ano ba ang maganda sa tingin mo?kasi canon yata ang rated high sa mga point and shoot na cams?
sony kasi yong ginagamit ko eh?
sorry nalihis tayo sa usapan ngayon ah??hahaha
Dennis said…
Yes I think when it comes to camera Canon talaga ang mas maganda. Ang sinasabi kong magandang camera is yung ginagamit ng mga professional photographer..hindi naman yung tipong 250k ang halaga...kahit yung mga tig 50k lang....hehehe. Yung sa akin kasi na ginagamit ay yung mumu lang...hehehehe...as in ordinary digicam lang....wala pang 10k ang halaga....hahahaha
cool fern said…
ah ok..ang ibig mo palang sabihin eh yong SLR na camera...point and shoot lang ako kasi handy siya..lagay mo lang sa pocket mo

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy