ROASTED BARBEQUE PORK RIBS
Request ito ng anak kong si Jake. Gustong-gusto kasi niya yung lasa ng barbeque sauce na ginamit ko sa dish na ito.
Ang inam sa dish na ito, pwede mong palambutin na siya ahead of time bago i-roast sa oven o sa turbo broiler. At ganun nga ang ginawa ko kaya hindi masyadong mahirap ang preparation na ginawa ko.
Try nyo ito. Tingnan nyo naman picture pa lang ay yummy na talaga.
ROASTED PORK RIBS
Mga Sangkap:
1.5 kilos Whole Pork Ribs
1 can Sprite Soda
1/2 cup Barbecue Sauce
1 head Minced Garlic
1/2 cup Brown Sugar
1/2 cup Soy Sauce
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang bowl pagsamahin ang lahat ng ng sangkap para makagawa ng marinade mix.
2. Sa isang plastic bag o zip block, ilagay ang pork ribs at ang ginawang marinade mix. Ilagay sa pinakamalamigna bahagi ng freezer at hayaan ng mga 2 araw.
3. Pakuluan ito sa isang kaserola kasama ang marinade mix hanggang sa lumambot ang karne.
4. I-roast ang karne sa oven o kaya naman ay sa turbo broiler ng mga 30 minuto.
5. Pahiran ng pinagpakuluan ang karne from time to time hanggang sa ma-roast na.
6. Pahiran muli ng pinaghalong barbeque sauce at brown sugar ang karne bako hanguin.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments