ROASTED PEKING DUCK

Uunahan ko na kayo, hindi ako ang nagluto ng peking duck na ito. Yes, in-order ko lang ito sa isang Chinese restaurant dito sa Makati. Shanghai Bistro ang pangalan ng restaurant. Actually, sister company namin ang restaurant na ito.

Nitong nakaraang holiday season may ibinigay sa aming gift check sa resto na ito at ito ngang peking duck ang aking pinaggamitan.

Ito ang isa sa mga inihanda namin sa aming nakaraang noche buena. Hindi lang maganda ang pagkaka-kuha ng picture at dahil sa ni-re-heat ko pa ito bago kainin kaya naging medyo maitim ang balat ng duck.

Pero wag ka... ang sarap ng roasted peking duck na ito. With the fita bread, hoisin sauce at pipino...wow yummy talaga ito. pati nga ang mga anak ko ay nagustuhan ang duck na ito. hehehe

December 23 ko pinick-up ito sa resto. Dec. 24 naman kami naka-uwi sa probinsya ng asawa ko sa Batangas.

Para maging crispy ulit ang balat ng duck, ang ginawa ko ay pinag-shower ko ulit siya ng kumukulong mantika. Yun lang malaking kawali talaga ang kailangan para gawin ito. At hindi naman ako nagkamali, naging crispy at yummy talaga ang balat ng duck na ito.

Kung baga, itong duck na ito ang naging pinaka-bida sa aming kinaing noche buena. Papaano naman na hindi magiging bida, medyo may kamahalan ang roasted peking duck na ito. hehehe. Well, okay lang para sa pamilya ko naman ito. Basta para sa aking pamilya, always the best ang ibinibigay ko.

HAPPY NEW YEAR SA LAHAT!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy