BAKED PINK SALMON & VEGETABLES
Tuwing Linggo, pinipilit ko talagang makapaghanda ng espesyal na pananghalian para sa aking pamilya. Linggo lang kasi kami nakakapag-sabay-sabay kumain. Maaga pumapasok ang mga bata sa school at sa gabi naman ay late na din nakakauwi ang aking asawa.
Nitong nakaraang Linggo, nagluto ako ng espesyal na ulam. Itong baked pink salmon & vegetables. Madali lang itong lutuin. Walang kung ano-anong pampalasa. Asin, paminta at butter lang ang aking inilagay dito. Masarap na kasi ang isdang ito at ang mga gulay na aking inilahok. Yummy talaga.
BAKED PINK SALMON & VEGETABLES
Mga Sangkap:
1 kilo Pink Salmon (sliced into 2)
4 slices of Butter
Broccoli (cut into bite size pieces)
Carrots (cut into bite size pieces)
Chayote (cut into bite size pieces)
White Onion (sliced)
Salt and pepper
Aluminum foil
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang magkabilang side ng hiniwang pink salmon. Hayaan ng ilang sandali.
2. Ilatag ang aluminom foil. Ilagay ang butter at saka ipatong ang 1 pirasong salmon.
3. Ilagay na din ang hiniwang broccoli, carrots, chayote at sibuyas.
4. Ibalot ito para di lumabas ang katas habang niluluto.
5. Lutuin ito sa turbo broiler o oven sa pinaka-mainit na settings sa loob ng 20 hangang 35 minuto.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments