PAN-FRIED PINK SALMON in GARLIC and BUTTER

Espesyal na araw sa amin ang araw ng Linggo komo dito lang kami nagkakasabay-sabay na kumain bilang pamilya.   Kaya naman hanggat maaari ay ginagawa ko itong espesyal at nagluluto ako ng espesyal na ulam.

Nitong nakaraang Linggo, naisipan kong magluto nitong pink salmon na paboritong isda ng aking asawang si Jolly at ng 3 kong anak.   Masarap naman kasi talaga ang isdang ito.   kahit anong luto dito ay nagugustuhan talaga nila.

Sa masarap na isda kagaya nitong pink salmon, hindi na kailangan pa ng kung ano-anong pampalasa para lutuin ito.   Mas mainam kasi na simpleng luto lang para hindi matabunan yung masarap na lasa ng isda.   Kaya naman sa dish na ito asin at paminta at saka ko ipinirito sa butter na pinag-prituha naman ng toasted garlic.   Winner ang dish na ito kaya subukan nyo din.


PAN-FRIED PINK SALMON in GARLIC and BUTTER

Mga Sangkap:
2 slices Pink Salmon (about 1/2 kilo)
1 head Minced Garlic
1/2 cup Butter
Salt and pepper to taste

Mga Sangkap:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang magkabilang side ng pink salmon.   Hayaan ng mga 30 minuto.
2.   Sa isang non-stick na kawali i-prito ang bawang sa butter hanggang sa mag-golden brown.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Sa parehong kawali i-prito naman ang pink salmon hanggang sa maluto ang magkabilang side.
4.   Hanguin sa isang lalagyan  at ibudbod sa ibabaw ang toasted garlic na pinirito.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!



Comments

Unknown said…
SARAP AH MAHIGPIT YANG SALMON N IYAN
Dennis said…
Salamat Mark.....masarap talaga...hehehe

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy