CREAM DORY FILLET with MAYO-CATSUP DIP

Ito ang isa sa mga pagkaing aking inihanda sa isang tanghalian ng pasasalamat sa aming tahanan nitong nakaraang Miyerkules.   Itong Cream Dory Fillet with Mayo-Catsup Dip.

Mayroon na din akong ibang recipe nito sa archive pero ang recipe ko for this one ay nagaya ko sa aking kapatid na si Ate Mary Ann.   Masarap siya at nagustuhan talaga ng mga kumain.   Try nyo din po.


CREAM DORY FILLET with MAYO-CATSUP DIP

Mga Sangkap:
2 kilos Cream Dory Fillet (cut into desired pieces)
1 small can Evaporated Milk
Maggie magic Sarap
1 tsp. Freshly Ground Black Pepper
2 pcs. Fresh Eggs (beaten)
2 cups Flour
2 cups Japanese Breadcrumbs
Cooking Oil for Frying
For the Dip:
Mayonaise
Banana Ctsup
Ground Black Pepper

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang fish fillet sa evaporated milk, maggie magic sarap at grounf black pepper ng overnight.
2.   Igulong sa harina ang bawat piraso ng fish fillet...pagkatapos ay ilubog naman sa binating itlog..at panghuli ay igulong naman sa Japanese breadcrumbs.   Ilagay muna sa isang lalagyan.
3.   I-prito ito sa isang kawali na may lumukulong mantika na may 1 inch o higit pa na lalim.   Lutuin hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
4.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
5.  For the dip:   Paghaluin lamang ang mayonaise, catsup at freshly ground black pepper.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy