INIHAW NA BANGUS using ELECTRIC GRILLER
Paborito ko itong Inihaw na Bangus na may palaman na Kamatis at sibuyas. Yun lang hindi ko maluto ito ng madalas komo nga sa isang condo kami nakatira. Dati ang ginagawa ko ay sa turbo broiler ko na lang niluluto na pwede naman din talaga, kaso nasira na ang aming turbo broiler.
Buti na lang at nakabili kami ng electric griller na naka-sale sa SM Department store. P1,500 ang actual price niya. Pero komo sale nga, kapag nakapamili ka ng P3,000 mabibil mo na lang ang griller na ito ng P799. So nakatipid ka ng P700 sa griller na ito. At bumili nga kami ng isa.
Hanabishi ang tatak ng griller. At nito ngang nakaraang Linggo ay sinubukan ko itong gamitin at ito ngan Inihaw na Bangus ang aking niluto.
Hindi ko alam kung talagang ganito itopng griller na ito. Namamatay kasi siya after ng ilang minuto at nabubuhay ulit. Akala ko nga nasira agad ito ng mapansin kong nag-stop o namatay ng power indicator,
Pero ganun pa man, naluto ko ang inihaw na bangus na ito at tamang-tama ang pagkaluto. Ano kaya ang iba pang mailuto dito? Hehehehe
INIHAW na BANGUS
Mga Sangkap:
2 pcs. Boneless Bangus
Kamatis (chopped)
Sibuyas na Puti (chopped)
Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin, paminta at Maggie Magic Sarap ang loob na parte ng bangus.
2. Sa isang bowl paghaluin ang hiniwang kamatis at sibuyas.
3. Ipalaman ito sa loob ng bangus at ibalot sa aluminum foil.
4. I-ihaw ito sa electric griller hanggang sa maluto.
Ihain na may kasamang sawsawang toyo na may calamansi at sili.
Enjoy!!!!
Comments