CHEESY INIHAW na BANGUS with BASIL
Pangkaraniwang ipinapalaman natin sa inihaw na bangus ay ang sibuyas at kamatis. Sa probinsya nga binabalot pa natin ito sa dahon sa saka iihaw sa baga. Masarap ito dahil nandun yung smokey taste ng nasunog na dahon ng saging na nagdadagdag ng flavor sa bangus.
Marami na din akong version na nagawa sa inihaw na bangus na ito. At ang isa sa pinaka-sikat nga ay itong Cheesy inihaw na bangus. Meron pa ngang nag-email sa akin na nasa ibang bansa at naging standard na sa kanilang tahanan na lagyan ng cheese ang kanilang inihaw na bangus. Nakakatuwa di ba?
In this version, bukod sa keso, nilagyan ko din ito ng fresh basil leaves para magkaroon ng kakaibang lasa. Sa Italy nga daw perfect combination ang basil, tomatoes at cheese kay naisip ko na gawin din ito sa hamak na bangus. At hindi nga ako nagkamali. Isang masrap na version ng inihaw na bangus ang naluto ko. Try nyo din po.
CHEESY INIHAW na BANGUS with BASIL
Mga Sangkap:
1 pc. Medium to large size Boneless Bangus
6 pcs. Tomatoes (cut into small pieces)
2 pcs. Medium size White Onion (chopped)
1 cup Chopped Fresh Basil Leaves
1 cup Grated Cheese
Salt and pepper to taste
Maggie Magic Sarap (optional)
Paraan ng pagluluto:
1. implahan ng asin, paminta at Maggie Magic Sarap ang boneless bangus. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang bowl paghaluin ang hiniwang sibuyas, kamatis, fresh basil leaves at grated cheese.
3. Ipapalaman ito sa bangus at balutin ng aluminum foil. Kung mayroon kayong dahon ng saging balutin muna ito dito bago ibalot naman sa aluminum foil.
4. I-ihaw ito sa baga o sa stove top griller hanggang sa maluto.
Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang toyo na may calamansi at sili.
Enjoy!!!!
Comments
https://homeschooltimeblog.wordpress.com/2017/02/08/biology-test