HERBS CRUSTED PINK SALMON
Ito ang isa sa mga pagkaing aking inihanda sa aking kaarawan last Monday September 12. Herb Crusted Pink Salmon.
Ito ang aking inihanda komo paborito ito ng aking asawang si Jolly at ang tatlo kong mga anak. Dati, simpleng salt and pepper lang ang itinitimpla ko dito komo masarapa na ang isdang ito. But this time, nilagyan ko ito ng 3 klaseng herb para mas lalo pang sumarap. Nilagyan ko ito ng thyme, basil at parsley. Ang resulta? Perfect! Sinamahan ko pa ng buttered Baguio beans...Panalo!!!
HERBS CRUSTED PINK SALMON
Mga Sangkap:
1 kilo Pink Salmon Fillet
1 tsp. Dried Parsley
1 tsp. Dried Basil
1 tsp. Dried Thyme
1 tsp. Ground Black Pepper
1 tsp. Salt or to taste
Butter for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Paghaluin ang mga herbs, asin at paminta sa isang bowl.
2. Ibudbod ito sa paligid ng pink salmon fillet. Hayaan ng ilang sandali o about an hour.
3. I-pan-grill ito sa isang non-stick pan na may butter sa katamtamang lakas ng apoy hangang sa maluto ang magkabilang side.
Ihain habang mainit pa na nakapatong sa buttered Baguio beans.
Enjoy!!!!
Comments