SARCIADONG TUNA

Pasensya na po kung hindi ako nakakapag-post nitong mga nakaraang araw.   Na-dengue po kasi ang pangalawa kong anak na si James kaya naging busy po ako sa pag-aasikaso sa kanya.   Awa naman po ng Diyos ay naka-labas na siya kahapon ng hospital.

Kaya eto po ituloy natin ang pag-post ng masasarap na pagkaing tiyak kong magugustuhan ninyo.

May nabili po akong isdang tuna.   Nag-iisip ako kung ano ang masarap na luto dito.   Nung una balak ko sanang i-bistek ito pero parang na-miss ko naman na kumain ng sarciado.   Hehehehe.   Kaya eto po ang recipe ng aking sarciadong tuna.



SARCIADONG TUNA

Mga Sangkap:
1 kilo Tuna Steak
1/2 kilo Tomatoes (chopped)
1 pc. large Onion (chopped)
1 head minced Garlic
2 pcs. Eggs (beaten)
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang sliced tuna ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   I-prito ito sa mainit na mantika hanggang sa pumula ang mag-kabilang side.   Hanguin sa isang lalagyan.
3.   Bawasan ang mantika sa kawaling pina-prituhan.   Magtira lamang ng mga 2 kutsara.
4.   Igisa dito ang bawang, sibuyas at kamatis.   halu-haluin.
5.   Lagyan ng kaunting tubig at hayaang malamog ang mga kamatis.
6.   Timplahan ng asin, paminta at Maggie magic Sarap.
7.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
8.   Huling ilagay ang binating itlog.   Halu-haluin.
9.  Ihalo ang piniritong tuna at saka pataying ang apoy.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy