YELLOW FIN TUNA in SWEET & SOUR SAUCE



Nitong nakaraan kong pamamalengke, naka-kita ako ng sariwang yellow fin tuna na medyo alanganin ang laki.   Sariwang-sariwa ito at binili ko agad. 

Isa lang ang luto na nasa isip ko nung binili ko ang isda ito, ang gawan ito ng sweet and sour sauce. 

Akala ng marami mahirap lutuin ang sweet and sour sauce.   But actually madali lang naman.   Ilan lamang ang mga sangkap at nasa sa inyo na kung gaano katamis, kaasim o kaalat ang gusto nyo sa sauce.   Kung mas madali naman na paraan pwedeng yung sweet chili sauce sa bote ang pwede nyong ilagay.  But ofcourse, iba yung from scratch mo ito gagawin.   Try nyo din po.





YELLOW FIN TUNA in SWEET & SOUR SAUCE

Mga Sangkap:
2 pcs. Medium size Yellow Fin Tuna
2 cups Tomato Catsup
1 thumb size Ginger (cut into strips)
1 pc. White Onion (sliced)
5 cloves Minced Garlic
1 medium size Carrot (cut into strips)
1 medium size Red Bell pepper (cut into strip)
3 tbsp. Melted Butter
2 tbsp. White Vinegar
Sugar, Salt and pepper to taste
1 tbsp. Cornstarch
Cooking Oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Linisin mabuti ang isda at saka gilitan sa katawan na parte.
2.  Timplahan ng asin at hayaan ng ilang sandali.
3.   I-prito ito hangang sa maluto.   Hanguin sa isang bandehado.
4.  For the sauce:    I-gisa ang luya, bawang, at sibuyas sa butter.
5.  Isunod na agad ang carrots at red bell pepper.   Halu-haluin.
6.  Ilagay na din ang tomato catsup at suka.   Hayaan kumulo.
7.  Timplahan ng asin, paminta at brown sugar.
8.  Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch at patuloy na haluin.
9.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
10.  Ibuhos sa ibabaw ng piniritong isda ang ginawang sauce.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy