MAYA-MAYA in SWEET and SOUR SAUCE

Habang namamalengke ako sa Farmers market sa Cubao, nakita ko itong may kalakihang maya-maya at naisip ko agad na masarap gawin ito na may sweet and sour sauce.   Kaya kahit may kamahalan ay bumili ako nito.

Kung bibilhin natin sa mga Chinese restaurant ang ganitong putahe medyo may kamahalan ito.   Kaya mainam siguro na tayo na lang ang magluto.

Pwede din naman na ibang isda ang gamitin.   Pwede din ang tilapia para mura lang o kaya naman ay lapu-lapu.

Masarap po ito at tiyak kong magugustuhan ng inyong mga mahal sa buhay.


MAYA-MAYA in SWEET and SOUR SAUCE

Mga Sangkap:
3 pcs. medium to large size Maya-maya
1 medium size Carrot (cut into strips)
1 medium size Red Bell Pepper (cut into strips)
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 head minced Garlic
1 large White Onion (sliced)
1 cup Banana or Tomato Catsup
1 tbsp. Cornstarch
3 tbsp.  Cooking Oil
Salt, Sugar and pepper to taste
Cooking oil for frying

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang bawat piraso ng maya-maya.   Make sure na may mga gilit ito para mapasukan din ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa maluto at medyo tostado na.   Hanguin sa isang bandehado.
3.   For the sweet and sour sauce:   Sa isang sauce pan, i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.  Sunod na igisa ang luya at makalipas ang ilang sandali ay ilagay naman ang sibuyas, carrots at red bell pepper.   Halu-haluin.
5.   Sunod na ilagay ang banana o tomato catsup at kaunting tubig.   Halu-haluin.
6.   Timplahan ng asin. paminta at asukal.
7.   Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.   Patuloy na haluin.
8.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa
9.  Ibuhos ang nilutong sauce sa ibabaw ng piniritong isda.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy