SARCIADONG TILAPIA
Sa mga Katolikong Kristyano kagaya ko, nagsimula ang mga Kwaresma o ang apatnapung araw ng paghahanda sa Pagkabuhay ni Hesus. At nitong ngang nakaraang Miyerkules sa pamamagitan ng pagpapahid ng abo sa noo nag-simula ito. Ito ay nagpapa-alala sa atin na tayo ay nagmula sa abo at sa abo din tayo magbabalik.
Sa apatnapung araw na yun, hinihikayat tayo ng simbahan na mag-ayuno at umiwas sa pagkain ng karne lalo na sa araw ng Biyernes. At bilang pakikibahagi ng food blog kong ito, bibigyan ko kayo tuwing Biyernes ng mga ulam na pwede nating lutuin sa araw na ito.
SARCIADONG TILAPIA
Mga Sangkap:
6 pcs. Medium Size Fresh or Live Tilapia
1/2 kilo Tomatoes (chopped)
2 pcs. Fresh Eggs (beaten)
5 cloves Minced Garlic
2 pcs. Onion (chopped)
3 tbsp. Cooking Oil
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and Pepper to taste
Cooking Oil for frying
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang mga tilapia. Hayaan ng ilang sandali.
2. I-prito ang tilapia sa mainit na mantika hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Sa isang kawali o sauce pan, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
4. Timplaha ng asin at paminta. Lagyan din ng 1 tasang tubig. Maaring takpan at halu-haluin from time to time hanggang sa madurog ang kamatis. Maaaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
5. Kung durog na ang kamatis, ilagay na ang binating itlog at Maggie Magic Sarap. Halu-haluin.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Ibuhos sa ibabaw ng piniritong tilapia ang nilutong ginisang kamatis.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!

Comments
Thanks again,
Dennis