INIHAW NA BANGUS with APPLES and CHEESE


May nag-message sa akin na isang follower ng food blog kong ito.    Natutuwa daw siya sa dami ng recipes na pwede niyang i-try at isa na nga dito ay itong inihaw na bangus na may palaman.  

Sa version na nakuha niya, yung may cheese ang sinubukan niyang lutuin and to her surprise nagustuhan ito ng kanyang pamilya at naging standard na din sa kanila ng inihaw na bangus.

Inulit ko ulit ang recipe na yun at for added twist nilagyan ko pa ito ng green apples at sa halip na ordinary cheese yung quick melt cheese ng Eden ang aking inilagay.   As expected, isa na namang masarap na version ng inihaw na bangus ang aking nailuto.   Try nyo din po.


INIHAW NA BANGUS with APPLES and CHEESE

Mga Sangkap:
2 pcs. Medium to large size Boneless Bangus
8 pcs.Tomatoes
2 pcs. large White Onion (chopped)
1 pc. Green or Fuji Apple (cut into small cubes)
2 cups Grated Quick Melt Cheese
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang boneless bangus.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang bowl paghaluin ang hiniwang kamatis, sibuyas at mansanas.   Haluing mabuti.
3.   Unang ilagay ang grated cheese sa loob ng katawan ng bangus at saka ilagay naman ang pibnaghalong sibuyas, kamatis at mansanas.
4.   Isara ito at saka balutin ng aluminum foil.
5.   Lutuin ito sa baga o sa turbo broiler ng mga 30 hanggang 45 na minuto sa pinaka-mainit na settings.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang toyo na may calamansi at sili.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy