PAN-FRIED PINK SALMON with BARBEQUE SAUCE


Sunday is always a special day for our family.   It's a family day at sa araw na ito lang kami nakaka-kain ng sabay-sabay.   Kaya naman ginagawa ko talagang espesyal ang mga ulam na aking inihahanda.

Ni-request ng asawa kong si Jolly na bumili namn daw ako ng isdang salmon.   Kahit na medyo may kamahalan ng isdang ito ay pinagbigyan ko na din ang aking asawa komo paminsan-misan lang naman din akmi nakaka-kain nito.

Sa mga masarap na isda kagayan ng pick salmon, hindi na kailangan ng kung ano-ano pang pampalasa.  Salt and pepper lang the i-pan-grill sa non-stick na kawali ay okay na.

In this recipe, sinamahan ko na din ng barbeque sauce.   Hindi ko siya isinama sa isda at baka kako ayaw ng ibang kakain na may sauce pa.    Masarap!   Try nyo din po.


PAN-FRIED PINK SALMON with BARBEQUE SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Pink Salmon (fillet)
1/2 cup Salted Butter
Salt and pepper to taste
For the Sauce:1 cup Barbeque Sauce
2 pcs. White Onion (cut into rings)
5 cloves Minced Garlic
1 tbsp.  Brown Sugar

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ang pink salmon ng asin at paminta.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang non-stick na kawali, i-prito ito sa butter hanggang sa mag-golden brown.   Hanguin sa isang bandehado o lalagyan.
3.   For the Sauce:   Sa parehong kawali, i-prito ang sibuyas hanggang sa medyo maluto.   Hanguin at ilagay sa ibabaw ng piniritong salmon.
4.   Sunod na i-prito naman ang bawang hanggang sa medyo matusta.
5.   Sunod na ilagay ang barbeque sauce at brown sugar.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain ang nilutong pink salmon kasama ng barbeque sauce na ginawa.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy