FISH FILLET with CHILI-GARLIC-MAYO DIP

Ito ang isa pa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraang kaarawan ng aking panganay na anak na si Jake.   Fish Fillet with Chili-garlic-mayo dip.

Actually, lasty minute choice ko itong dish na ito.   Nung sabihin kasi ng anak ko kung ilan ang ine-expect niyang guest naisip ko na dagdagan pa ang nase menu ko.   At ito na nga yun.

Madali lang naman lutuin ang fish fillet.   Tip lang... kung isdang cream dory ang gagamitin nyo, huwag nyo na itong lagyan ng asin or kung lalagyan man, kaunting-jaunti lang.   Maalat na kasi ang laman ng isdang iyo.   I-marinade lang ito sa kaamansi o lemon at kaunting paminta at Magic sarap ay okay na.


FISH FILLET with CHILI-GARLIC-MAYO DIP

Mga Sangkap:
1 kilo Cream Dory Fillet (hiwain ng pahaba)
1 pc. Lemon
1 tsp. Maggie Magic Sarap
1/2 tsp. Ground Black Pepper
For the batter:
2 pcs. Fresh Eggs
1/2 cup Flour
1/2 Cup Cornstarch
Salt and pepper to taste
--
Cooking Oil for Frying
For the Dip:
2 tbsp. Chili-Garlic Sauce
1 cup Mayonaise

Paraan ng pagluluto:
1.   I-marinade ang cream dory sa katas ng lemon,  lemon zest o yung ginadgad na balat ng lemon, Maggie magic Sarap at dinurog na paminta.   Hayaan ng mga 30 minuto hanggang 1 oras.
2.   Ihalo sa minarinade na cream dory ang harina, cornstarch, bnating itlog at kaunting asin at paminta.   Halu-haluin ito hanggang ma-coat ng batter ang lahat ng piraso ng fish fillet.
3.   I-prito ito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay.   Hanguin sa isang lalagyan na may paper towel.
4.   For th dip:   Paghaluin lang ang chili-garlic sauce at mayonaise.   Pwede din lagyan ng kaunting paminta at asin.

Ihain ito habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy