BONELESS BANGUS in BLACK BEAN SAUCE
Isa sa mga isda na madalas kong niluluto sa bahay ay itong boneless bangus. Prito o kung minsan naman ay pinapalamanan ko ng sibuyas at kamatis ang pangkaraniwang luto na ginagawa ko dito. But this time, niluto ko naman siya na may black bean sauce para maiba naman ang lasa.
Try nyo po ito masarap talaga. para na rin kayong kumain sa isang mamahaling Chinese Restaurant.
BONELESS BANGUS in BLACK BEAN SAUCE
Mga Sangkap:
2 pcs. medium size Boneless Bangus
1 small can Black Bean Sauce
1 pc. Carrot (cut into strips)
2 thumb size Ginger (cut into strips)
5 cloves Minced Garlic
1 large White Onion (sliced)
1/2 cup Soy Sauce
1 tsp. Cornstarch
Brown Sugar to taste
Salt and Groud Black Pepper to taste
Cooking Oil for Frying
Paraan ng pagluluto:
1. Timplahan ng asin at paminta ang boneless na bangus. Hayaan ng 1 oras o higit pa. Maaaring hiwain sa apat ang bawat piraso ng bangus.
2. I-prito ito sa mainit na mantika hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Magtira lamang ng mga 2 kutsarang mantika sa kawali na pinag-prituhan.
4. Igisa ang luya, bawang at sibuyas.
5. Ilagay na agad ang black bean sauce at ang carrots.
6. Ilagay na din ang brown sugar, toyo at kaunting tubig.
7. Huling ilagay ang tinunaw na cornstarch para lumapot ang sauce.
8. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
9. Ibuhos ang sauce sa piniritong boneless bangus.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments