HOTDOGS with PINEAPPLE CATSUP SAUCE


Ang almusal ang pinakamahirap para sa aking i-prepare.   I-prepare yung mag-iisip ka kung ano ang ihahanda.   Yung pagluluto ofcourse madali lang yun.   Ang hirap kasing mag-isip ng putahe na pang-almusal.   Minsan nga nagluto ako ng sisig sa breakfast, nagtanong pa ang mga anak ko kung yun daw ba ang ulam namin.  Hehehehe.

Also, napapansin ko na nagsasawa na din ang mga anak ko sa mga pang-almusal naming ulam.   Papaano ba naman, umiikot lang ito sa corned beef, hotdogs, canned tuna, tinapa, itlog, tuyo, etc.

Kaya naisipan ko na lagyan ng twist ang mga ito para din naman maging boring sa paningin ng aking mga anak.   Kagaya nitong hotdog na ito,  ginaya ko yung nasa commercial ng UFC catsup kung saan nag-gisa ng sibuyas..inihalo ang hotdog at nilagyan ng banana catsup.   Bago sa paningin ng bata di ba.   At para mas sumarap pa ito, nilagyan ko ng pineapple tidbits na natira naman nung nagluto ako ng everlasting.

Masarap ito.   Pwede pang-ulam sa kanin, sa tinapay o kahit ihalo nyo sa pasta.   Winner ito sa mga kids.   Try nyo in po.


HOTDOGS with PINEAPPLE CATSUP SAUCE

Mga Sangkap:
10 pcs. Purefoods Jumbo Hotdogs (sliced)
1 cup Banana Catsup
1 cup Pineapple Tidbits
1 tbsp. Brown Sugar
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large White Onion (sliced)
2 tbsp. Butter
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
2.   Sunod na ilagay ang hiniwang hotdogs at halu-halin ng ilang sandali.
3.  Ilagay na din ang banana catsup at pineapple tidbits.
4.   Timplahan ng asin, paminta at brown sugar.   Hayaan ng 2 minuto pa.
5.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!



Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy