CHICKEN TOCINO ala DENNIS
Ang tocino ang isa sa mga paboritong pang-ulam sa almusal nating mga Pilipino. Lalo na kung sasamahan mo ng mainit na sinangag, pritong itlog at mainit na kape? Winner ang ating umagahan panigurado. Pero marami sa atin ang hindi din bumibili ng tocino lalo na yung nabibili sa palengke dahil marami sa mga ito ay yung mga natira nang karne at may mga sangkap pa itong preservatives na hindi okay sa ating katawan.
Kaya mainam siguro na tayo na lang ang gumawa ng sarili nating tocino hanggat maaari. Sigurado pa tayo na malinis ito at walang preservatives o harmful na sangkap. Try nyo din po.
CHICKEN TOCINO ala DENNIS
Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Breast Fillet (hiwain pa ng manipis)
1-1/2 cup Pineapple Juice (sweetened)
2 tbsp. Tomato Sauce
1 head minced Garlic
4 tbsp. Brown Sugar
2 tbsp. Soy Sauce
Salt and pepper to taste
Cooking oil for frying
Paraan ng paggawa:
1. Sa isang bowl, paghaluin ang lahat ng mga sangkap maliban sa cooking oil. I-marinade ito ng overnight o higit pa bago i-prito.
2. I-prito ito sa isang non-stick na kawali sa kaunting mantika hanggang sa maluto. Maaaring lagyan ng kaunting marinade mix ang ipi-pritong tocino para mas lalo lumasa ito sa laman.
Ihain na may kasamang pritong itlog at mainit na sinangag.
Enjoy!!!!
Comments