BACON and PESTO PASTA
Ito ang pasta dish na inihanda ko nitong nakaraang birthday ng bunso kong anak na si Anton. Bacon and Pesto Pasta.
Pag narinig natin yung word na pesto, parang ang sosyal sosyal ng dating at parang napaka-kumplikado din lutuin. But actually, madali lang ito at mura lang ang magagastos. Kakaiba at tiyak kong magugustuhan ninyo at ng inyong mga bisista ang pasta dish na ito.
BACON and PESTO PASTA
Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta
500 grams Smokey Bacon (sliced)
1 head Minced Garlic
1 large Onion (sliced)
3 tbsp. Olive Oil
2 cups Grated Cheese
Salt and pepper to taste
For the pesto:
100 grams Fresh Basil Leaves
1 cup Olive Oil
100 grams Cashew or Pili Nuts
2 heads Garlic
1 tbsp. Whole Pepper Corn
1 tetra brick All Purpose Cream
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions. Huwag i-overcooked.
2. Gamit ang blender, ilagay ang lahat na sangkap para sa pesto. I-blender ito hanggang sa madurog ang lahat na mga sangkap.
3. Sa isang medyo malaking kawali, i-prito ang bacon sa olive oil hanggang sa medyo pumula ito. Hanguin ang kalhati ng bacon sa isang lalagyan.
4. Sa parehong kawali, igisa ang bawang at sibuyas.
5. Sunod na ilagay ang ginawang pesto. Timplahan ng asin at paminta.
6. Tikman at i-adjust ang lasa.
7. Ihalo ang nilutong spaghetti pasta at 1 cup ng grated cheese.
8. Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng noodles.
9. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natitira pang grated cheese at bacon.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments