LINGUINE PASTA with CREAMY PESTO and BACON SAUCE


Ito ang pasta dish na niluto ko nitong nakaraan kong kaarawan.   Linguine Pasta with Creamy Pesto and Bacon Sauce.  Pinasarap ito gamit ang Alaska Crema (ayan free advertisement ha..hehehe)

In this pasta dish, pwede din gumamit ng kahit aling klase ng pasta.   Ang maganda sa pasta dish na ito, mura lang ang magagastos pero hindi tipid sa lasa.   Nakakatuwa ng dahil nagustuhan ito ng aking mga naging bisita.   Try nyo din po.


LINGUINE PASTA with CREAMY PESTO and BACON SAUCE

Mga Sangkap:
1 kilo Linguine Pasta (cooked according to package directions)
500 grams Bacon (cut into small pieces)
5 cloved Minced Garlic
1 large Red Onion (chopped)
2 tbsp. Olive Oil
Salt and pepper to taste

For the pesto sauce:
100 grams Fresh Basil Leaves
100 grams Cashiew Nuts
1 cup Olive Oil
2 heads Garlic
1 cup Grated Cheese
2 tetra brick Alaska Crema
1 tsp. Whole Pepper Corn

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang linguine pasta according to package directions.   I-drain.
2.   Ilagay sa blender ang lahat ng sangkap para sa pesto.   Ilagay una ang paminta, bawang, casheiw nuts at olive oil saka isunod ang iba pang sangkap.   I-blender ito hanggang sa madurog ang lahat ng sangkap.
3.   Sa isang medyo may kalakihang kawali, i-prito una ang bacon sa olive oil hanggang sa medyo pumula ito.   Hanguin sa isang lalagyan.
4.   Igisa ang bawang at sibuyas.   Halu-haluin.
5.   Ilagay ang ginawang pesto at kalhati ng bacon na pinirito.   Halu-haluin hanggang sa medyo kumulo.
6.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ilagay na ang na-drain na pasta at haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
8.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natira pang bacon at grated cheese.

Ihain na may kasamang bread sticks o toasted bread.

Enjoy!!!!

#cremamoments

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy