PEPPERONI and PENNE PASTA
Tayong mga Pilipino ay mahihilig sa matatamis. Hindi pepwedeng wala tayong minatamis o panghimagas na kahit ano man lang pagkatapos nating kumain.
Kahit nga sa mga pagkain katulad ng spaghetti ay mas gusto natin yung medyo matapis ang lasa. Kay nga click na click sa atin ang spaghetti ng Jollibee. Hehehehe.
Nitong nakaraan kong kaarawan Italian style na pasta naman ang aking inihanda. Yung canned chunky tomatoes ang aking ginamit at fresh na basil. Nilagyan ko na lang ng kaunting asukal para hindi naman masyadong maasim ang lasa ng sauce. Try nyo din po.
PEPPERONI and PENNE PASTA
Mga Sangkap:
500 grams Penne Pasta (cooked according to package directions)
200 grams Pepperoni
1 can Chunky Tomato
2 cups Chopped Fresh Basil Leaves
2 pcs. Pork Cubes (tunawin sa 1 tasang tubig)
2 cups Grated Cheese
1 head Minced Garlic
1 pc. Large Onion (chopped)
3 tbsp. Olive Oil
Salt and pepper to taste
1 tbsp. of Sugar
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang penne pasta according to package direction. I-drain
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa olive oil.
3. Sunod na ilagay ang pepperoni at halu-haluin.
4. Sunod na ilagay ang canned chunky tomato. Durugin ng bahagya ang mga buo-buong piraso.
5. Ilagay na din ang fresh chopped tinunaw na pork cubes, basil leaves, asin, paminta, asukal at 1 cup na grated cheese. Halu-haluin at hayaang kumulo ng bahagya.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Patayin ang apoy at ihalo ang nilutong pasta. Haluing maiigi hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang 1 cup pa na grated cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments