PASTA CARBONARA : My Other Version


The day before my birthday (September 11), dinala sa aming tahanan ang mga imahe ni Mama Mary at ng Holy Family.   Nag-stay ito sa bahay ng isang linggo at sa huling araw ay nagpakain ako ng kahit papaano sa mga magdadasal.

Simpleng snacks lang ang aking inihanda.   Ito ngang pasta carbonara at simpleng butter cheese sandwich.   Nakakatuwa naman at nagustuhan nila ang munti kong nakayanan.

Ilang beses na din akong nakapagluto nitong pasta carbonara.   Pero sa pagkakataong ito, ginaya ko yung napanood ko sa Youtube, kung saan nilagyan pa ng itlog ang pinaka-sauce nitong pasta dish na ito.  Kung titingnan natin closely yung pict ng dish na ito sa itaas, mapapansin nyo yung tiny bitsna naka-kapit sa pasta noodles.   I think yun yung effect nung pagsama ko ng binating itlog sa sauce.   At mas sumarap siya ha.   Try nyo din po.



PASTA CARBONARA : My Other Version

Mga Sangkap:
1 kilo Spaghetti Pasta
500 grams Bacon (cut into small pieces)
300 grams Sweet Ham (cut into small pieces)
2 cups Mushroom (sliced)
4 cups Full Cream Evaporated Milk (Alaska red label)
1 tertra brick All Purpose Cream
1/2 cup Melted Butter
2 cups Cheese (grated)
3 pcs. Fresh Eggs
1 tsp. Maggie Magic Sarap
5 cloves Minced Garlic
1 large Onion (chopped)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions.   Magtira ng mga 2 cups na sabaw na pinaglagaan nito.
2.   Sa isang bowl, batihin ang itlog kasama ang evaporated milk.
3.   Sa isang kawali (yung kakasya ang spaghetti pasta kapag inihalo na) igisa ang bawang at sibuyas sa butter.
4.  Isunod na agad ang bacon at ham at hayaang matusta ng bahagya ang mga ito.   Kumuha ng nais dami para pang-toppings.
5.   Ilagay na ang pinaghalaong evaporated milk at itlog at sabaw na itinabi na pinaglagaan ng pasta.   Isunod na din ang all purpose cream at saka timplahan ng asin, paminta at maggie magic sarap.   Hayaang kumulo n bahagya.
6.  Ilagay na din ang 1 cup na grated cheese.  Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Ihalo na ang nilutong pasta.   Haluin mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat na pasta.
8.  Isalin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang kinuhang pang-toppings at 1 cup pa na grated cheese.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy