SPAGHETTI with VIGAN LONGANISA
All time favorite natin lalo na ng mga bagets itong spaghetti. Mapa-birthday, o anumang okasyon ay naghahanda tayo nito. Kami sa bahay basta may pagkakataon ay nagluluto ako nito para sa aming almusal.
Alam ko marami sa atin ang marunong na magluto nito. Pero alam ba ng marami na masarap ding isahog sa spaghetti ang longanisa? Yes. Yung longanisa na paborito nating almusal na may kasama pang sinangag at itlog.
In this recipe, Vigan Longanisa ang aking inilagay. Marami kasi ang natira sa almusal namin. Hindi siguro nagustuhan ng mga bata ang lasa nito. Nasanay kasi sila sa longanisa na matamis o yung hamonado. Kaya yun nga para di masayang ang vigan longganisa na ito inilahok ko na lang sa aking spaghetti. At ang resulta? Isang masarap na version ng paborito nating spaghetti. Try nyo din po.
SPAGHETTI with VIGAN LONGANISA
Mga Sangkap:
1/2 kilo Spaghetti Pasta
10 pcs. Vigan Longganisa (alisin sa casing)
1 tetra pack (good for 1/2 kilo pasta) Italian Style Spaghetti Sauce
5 pcs. Jumbo Hotdogs (sliced)
1 tsp. Dried Basil
2 cups Grated Cheese
1 head Minced Garlic
1 pc. large Onion (chopped)
3 tbsp. Olive Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Lutuin ang spaghetti pasta according to package directions. Huwag i-overcooked.
2. Sa isang kawali, igisa ang bawang at sibiyas sa olive oil.
3. Isunod na agad ilagay ang longganisa na inalis sa casing, sliced hotdogs at dried basil. Halu-haluin.
4. Sunod na ilagay ang spaghetti sauce at timplahan ng asin at paminta. Hayaang medyo kumulo. Kung gusto ninyo na medyo matamis ang sauce, maaari nyong lagyan ng asukal.
5. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
6. Ihalo ang nilutong spaghetti pasta at 1 cup na grated cheese. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng noodles.
7. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang natira pang grated cheese.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!!

Comments