PANCIT PUTI
Ito ang isa sa mga pagkaing inihanda ko para sa birthday ng aking anak na si James. Ang Pancit Puti. Syempre hindi mawawala ang noodles basta may birthday.
HIndi ko alam kung bakit pancit puti ag tawag dito, pero sa tingin ko dalawang bagay lang ang ginawa dito para maiba sa karaniwang alam natin na pancit guisado. Una, wala itong sangkap na toyo at pangalawa, nilagyan ito ng maraming toasted na bawang. Sa office kapag may birthday ito ang ino-order nila kaya ko natutunan itong pancit puti na ito. Try nyo din po.
PANCIT PUTI
Mga Sangkap:
1/2 kilo Rice Noodles o Bihon
300 grams Chicken Liver (cut into small pieces)
300 grams Chicken Breast Fillet (cut into strips)
1 pc. large Carrot (cut itno strips)
1/2 Repolyo (chopped)
1/2 cup Kinchay (choppep)
1 pc. Chicken Cubes
2 heads minced Garlic
1 large Onion (sliced)
3 tbsp. Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o kaserola, i-prito ang bawang sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Igisa na ang sibuyas at isunod na agad ang hiniwang atay at manok. Timplahan ng konting asin at paminta. Hayaang masangkutsa.
3. Lagyan ng tubig na tama lang para maluto ang bihon. Hayaang kumulo.
4. Lagyan ng chicken cubes at tikman ang sabaw. I-adjust ayon sa inyong panlasa.
5. Ilagay na ang bihon at haluing mabuti. Kung sa tingin nyo ay kulang pa ang sabaw para maluto ang bihon, lagyan pa ng chicken stock o tubig.
6. Ilagay na din ang carrots at patuloy nahaluin para lumasa sa bihon ang lahat ng mga sangkap.
7. Huling ilagay ang repolyo, kinchay (half lang magtira ng pang-garnish) at piniritong bawang. Magtira din ng bawang para pang-garnish.
8. Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa ibabaw ang natirang kinchay at bawang.
Ihain na may kasamang patis at calamansi habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments