CRAB STICKS and CUCUMBER SPRING ROLL

Ito ang isa sa mga dish na ginawa ko nitong nakaraang 50th Birthday ng aking kapatid na si Ate Mary Ann.  Marami ang nagka-gusto dito at hiniling talaga nila na i-post ko daw ulit dito sa blog ang recipe at kung papaano ito gawin.

Marami na din akong version na nagawa sa dish na ito.   Yung iba nilagyan ko pa ng nuts like cashiew nuts.  Yung iba naman ay nilagyan ko pa ng hinog na mangga.   Pero kahit ano pa ang ilagay nyong palaman sa spring roll na ito tiyak kong magugustuhan ito ng kakain.   Masarap at napaka-refreshing talaga.   Try nyo din po.


CRAB STICKS and CUCUMBER SPRING ROLL

Mga Sangkap:
Rice Paper
Romaine Lettuce
Pipino (cut into strips)
Crab Sticks (cut into strips)
Sesame Oil
For the Sauce:
2 cups Mayonaise
2 tbsp. Peanut Butter
3/4 cup Evaporated Milk
1 tsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste

To Assemble:
1.   Ilubog sa tubig ang 1 pirasong rice paper sa loob ng 5 sigundo.
2.   Ilatag ito sa isang plato at lagyan ng lettuce, hiniwang crab sticks at pipino.
3.   I-roll ito na parang lumpia at hiwain ng pa-slant sa gitna.  Ilagay muna sa isang lalagyan.
4.  For the sauce/dip:  Sa isang bowl, paghaluin lang ang mayonaise, peanut butter, evaporated milk, sesame oil at kaunting asin at paminta.
5.  Tikman at i-adjust ang lasa

Ihain ang spring roll kasama ang ginawang sauce.

Enjoy!!!!

Note:  Hindi ko nilagyan kung gaano kadaming mag sangkap ang gagamitin.   Nasa sa inyo na yun kung gaanong karaming spring roll ang gagawin nyo.

Comments

Grace Calderon said…
Good day ,Sir I'm amaze with this recipe and i will try this weekend ,i just wonder if where can i buy rice paper ..thanks Sir for this site maraming bagong resipe akong gustong subukan ..
Dennis said…
Sa SM Supermarket meron. Kasama siya nung mga lumpia wrapper.
Yes Grace try it. I'm sure magugustuhan din ng pamilya mo ang dish na ito.

Anonymous said…
kuya dennis sa puregold din po kaya my rice paper?un lang po kasi malapit d2 sa malolos.gusto ko po kasi try ito.salamat po
Dennis said…
I-try mo din. Di kasi ako nakakapamili sa Puregold. Nasa section siya kasama nung mga lumpia wrapper.

Thanks
Anonymous said…
thanks po kuya dennis..salamat po

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy