GINATAANG HIPON (SWAHE)
Tuwing umuuwi kami sa bayan ng aking asawa sa San Jose Batangas, lagi siyang nagpapabili ng ginataang hibe. Gustong-gusto niya ito maging ang aking biyenan. Hibe ang tawag nila dito although ang hibe in general ay dried shrimp o pinatuyong hipon na isinasahog sa mga nilulutong gulay katulad ng sayote o kaya naman ay upo.
Nitong isang araw naisipan kong magluto nito sa bahay para naman masiyahan ang aking asawa. Gustong-gusto din pala ito ng mga anak ko.
Nung una, yung malalaking hipon o sugpo sana ang gagamitin ko sa pagluluto. Pero nung makita ko yung mga buhay pa na hipon o swahe, ito na agad ang binili ko. Una mas buhay pa talag yung yung hipon at pangalawa mas mura ito kumpara sa sugpo.
Panalo ang ang dish na ito. Lalo na kung naka-kamay kang kumain at may sawsawan ka na pinirat na sili at patis. hehehehe. Winner!!!
GINATAANG HIPON (SWAHE)
Mga Sangkap:
1 kilo Hipon (Swahe)
Kakang gata mula sa dalawang niyog
4 cloves minced garlic
5 slices Ginger
1 large White Onion Sliced
5 pcs. Siling pang sigang
2 tbsp. Butter
salt ang pepper to taste
1 tbsp. brown sugar.
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali o kasirola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa butter. Halu-haluin at hayaan ng mga ilang sandali.
2. Ilagay ang gata at hayaang kumulo ng mga 3 minuto.
3. Ilagay ang siling pang-sigang at timplahan ng asin at paminta.
4. Ilagay ang hipon. Halu-haluin at hayaang maluto hanggang sa kumonti na ang sabaw o gata.
5. Ilagay ang brown sugar. Tikman at i-adjust ang lasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!!
Comments
Wow uwi ka pala ng Pinas ha.....saan ka dito sa atin? Pasalubong ha (Kapal ko...hehehehe)
Dennis
Hahahahaha.....wag mo ako9ng biruin ng ganyan.....aasa ako...(kapal) hahahahahah