ATCHARANG PAPAYA
Sa mga handaan ako madalas makakita ng atcharang papaya. Fiesta, kasalan, binyagan at iba pa. Ang Inang lina ko ang masarap na gumawa nito. Masarap ito na side dish sa mga pritong karne o isda man. Kaya nitong isang araw naisipan kong gumawa nito gamit ang natirang green papaya na ginamit ko sa aking escabeche.
Madali lang naman gumawa nito. Ang pinaka-key lang dito ay ang tamang timpla ng suka at gagamitin. Siguro nasa sa inyo na kung anong timpla ang gusto ninyo. Ibigay ko lang ang basic procedure at mga sangkap.
ATCHARANG PAPAYA
Mga Sangkap:
1 medium size Green Papaya (balatan at gadgarin sa nais na laki)
2 cups Cane Vinegar
3 tbsp. Sugar
1 tbsp. Salt or salt to taste
1 cup grated Carrots
Freshly ground Black Pepper
1 medium size Red Onion
5 cloves minced Garlic
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang sauce pan, pakuluan ang suka, bawang, sibuyas, asin, asukal at paminta. Huwag hahaluin. Hayaang kumulo ng mga 5 minuto. Tikman at i-adjust ang lasa. Ang tamang lasa nito ay yung nag-aagaw ang alat, tamis at asim ng suka. Palamigin
2. Paghaluin ang ginadgad na papaya at carrots at ilagay sa isang jar o garapon.
3. Ihalo ang nilutong suka sa pinaghalong papaya at carrots. Takpan
4. Ilagay muna sa fridge at hayaan ng mga 3 araw.
Ihain kasama ng paborito nyong pritong ulam.
Enjoy!!!
Comments