ENSALADANG TALONG

Remember yung niluto kong pan-grilled pork steak? Oo, ito naman yung side dish na niluto para pang-terno sa inihaw na baboy. Ang kinalabasan? Sira na naman ang diet ko. hehehehe

Paborito ko talaga ang talong. Kahit simpleng prito lang at may bagoong, ulam na sa akin ito. Lalo na siguro kung torta naman ang gagawing luto, siguradong panalo ang kain ko. Hayyy!!! Yun lang, siguradong sasakit na naman ang kasu-kasuan ko pag kumain ako nito. Hehehehe

Whats good sa enseladang talong na ito ay yung kasimplehan at yung bagoong balayan na ipinang-timpla ko. Yummy talaga.


ENSELADANG TALONG

Mga Sangkap:
4 pcs. large Talong
1/2 cup Bagoong Balayan
2 pcs. Kamatis diced
1/2 Red Onion chopped
Ground Black Pepper

Paraan ng pagluluto:
1. I-ihaw ang talong....Palamigin....Balatan....at hiwain sa nais na laki. Ilagay sa isang bowl.
2. Ihalo ang kamatis at sibuyas sa hiniwang talong.
3. Timplahan ng bagoong balayan at konting paminta.

Ihain kasama nag paborito nyong inihaw na isda o baboy.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy