CHICKEN & BABY POTATO SALAD


Belated Merry Christmas sa lahat. Ngayon na lang ulit ako nakapag-post dahil talaga namang super busy ako that week before the holidays. Kabi-kabila ang mga parties at syempre last minute shopping.....hehehehe...sila lang pala...hehehehe.
Every year mula ng mag-asawa ako, kung hindi sa Bulacan ay sa mga biyenan ko Batangas kaming pamilya nagpa-pasko. Kung sa Batangas kami nagpapasko, sa Bulacan naman kami nagba-bagong taon. Laging ganun ang set-up. Ginagawa namin ito komo may mga idad na ang nabubuhay naming magulang. At isa pa, iba pa rin talaga ang pasko at bagong taon sa probinsya.
This year, sa biyenan ko sa Batangas kami nag-pasko. Komo nga nag-iisa na lang siya at medyo mahina na, kami na ang bahala kung ano ang ihahanda sa noche buena.
Malayo pa ang pasko, pinaplano ko na ang ihahanda sa noche buena ng pasko. At isa na nga rito ang entry natin for today.
Alam ko simpleng dish lang ito. Pero may ginawa ako iba para mas lalong sumarap ito. Try nyo ito. Okay din itong ihanda sa bagong taon dahil bilog-bilog ang sangkap. hehehehe


CHICKEN & BABY POTATO SALAD

Mga Sangkap:
1/2 kilo Baby Potatoes (Hugasang mabuti. Kiskisin ang balat para maalis ang putik o lupa)
1/2 kilo Chicken breast
1 large Carrot cubes
1 /2 cup Chopped Celery
1 cup Lady's Choice Mayonaise
1 cup Lady's Choice Ham Spread
a bunch of fresh lettuce
Salt and pepper to taste

Paraan ng Pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilaga ang manok at baby potatoes. Lagyan ng asin at paminta ang tubig.
2. Kung malapit ng maluto ang patatas, ilagay ang carrots. Hayaan hanggang sa maluto.
3. Kung luto na ang patatas, hanguin ito sa isang lalagyan at palamigin.
4. Hanguin at palamigin din ang manok at kung malamig na ay himayin ito o hiwain ayon sa nais ninyong laki.
5. Paghalu-haluin ang patatas, hinimay na manok, chopped celery, mayonaise at ham spread.
6. Timplahan ng asin at paminta ayon sa inyong panlasa.
7. Sa isang lalagyan, ilatag dito ang mga dahon ng lettuce at ilagay dito ang pinaghalong mga sangkap.
8. I-chill muna ito sa fridge bago ihain.

Ihain na may grated cheese sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Note: Pangkaraniwan mayonaise lang ang ginagamit natin sa ganitong klaseng salad. Pero ako ginamitan ko ng ham spread. Pwede din ang chicken spread. Mas nagiging masarap at malasa ang salad nyo. Pangalawa, pinagsabay ko ang pagpapakulo sa manok at patatas para kumapit ang lasa ng manok sa patatas. Maaring timplahan na ito (asin, paminta, onion) habang pinapalambot.

Comments

cool fern said…
happy new year,dennis at sa iyong pamilya..
naku naman..bilib ako sa presentaiton ng iyong potato salad...
presentation pa lang yummy na yummy na talaga.
Dennis said…
Thanks my friend....hindi lang presentation ha...masarap ito talaga...hehehe
cool fern said…
i'm sure masarap na masarap 'to...

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy