PENNE CHEESE & PIMIENTO PASTA

Lahat kami sa pamilya ay marunong magluto. Siguro ito ang namana namin sa aming namayapang Inang Lina. Kaya naman nitong nakaraang Media Noche ay hindi ako masyadong nahirapan dahil kaming lahat ay may kani-kaniyang dish na niluto. Nakakatuwa nga, kasi ba naman, komo nag-attend pa kami ng party bago pumutok ang bagong taon at 11pm na natapos, talaga namang pandalas kami sa pagluluto para umabot sa 12 midnight. Hehehehe. Halos mag-ekis-ekis kami sa kusina habang nagluluto. Buti na lang ang tatlo ang kalan na pwede naming gamitin. Hehehehe

Dalawang dish lang ang niluto ko. Yung isa Roasted baby back ribs at ito ngang penne pasta na entry ko for today.

Madali lang yung sa baby back ribs. I-kwento ko na lang separate entry ko. Ito namang sa pasta dish na ito, niluto ko na ang pasta ng mas maaga at nung bago nga mag-new year ko naman niluto ang sauce. Kahit madalian ang luto na ginawa ko dito ay talaga namang super sa sarap ang kinalabasan. Gustong-gusto ko yung lasa ng pimiento , yung cheese wiz at yung bacon na inilahok ko dito. Kung baga, swak na swak ang mga lasa nila sa isat-isa.


PENNE CHEESE & PIMIENTO PASTA

Mga Sangkap:

500 grams Penne pasta cook according to package direction

2 cups Cheese Wiz Pimiento flavor

1 cup All Purpose cream

1 small can Pimiento or 2 Red bell pepper cut into small cubes

250 grams Bacon cut into small pieces

1 cup grated cheese

1 cloves minced garlic

1/2 cup butter

salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:

1. Sa isang non-stick na kawali, i-prito ang bacon sa butter hanggang sa maging crispy. Hanguin sa isang lalagyan.

2. Igisa ang bawang hanggang sa mag-golden brown ang kulay.

3. Sunod na ilagay ang hiniwang pimiento o red bell pepper. Halu-haluin

4. Ilagay na ang cheese wiz at all purpose cream. Haluing mabuti hanggang sa lumapot a ng sauce.

5. Timplahan ng asin at paminta

6. Ilagay ang nilutong penne pasta at haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng pasta.

7. Hanguin sa isang lalagyan at ibudbod sa ibabaw ang nilutong bacon.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy