PANCIT MALABON OVERLOAD
Ito ang isa sa mga dish na niluto ko nitong nakaraang Pasko. Pero hindi sa Noche Buena namin ito inihanda komo may pasta dish na. Sa mismong araw ng pasko namin ito pinagsaluhan.
Actually, ang Pancit Malabon ay para rin lang pancit palabok o yung pancit luglog na alam natin. Ang pagkakaiba lang siguro nito ay yung matatabang noodles na ginagamit at mas marami itong seafoods na sahog o toppings. Marahil ay komo malapit sa dagat ang Malabon pangkaraniwang hanapbuhay doon ay ang pangingisda kaya naging ganito ang pancit na ito na tinawag na ngang Pancit Malabon.
Sinabi kong Pancit Malabon Overload ito komo nga ang dami kong sahog na inilagay. Talagang kinumpleto ko ang mga sahog dahil ito ang share ng hipag kong si Lita. Siya din ang nag-request na magluto ako nito. Nakakatuwa naman at nagustuhan ng lahat ang niluto ko.
PANCIT MALABON OVERLOAD
Mga Sangkap:
1.5 kilos Bihon na pang pancit Malabon (matataba ang noodles)
1/2 kilo medium size Hipon (alisin ang balat at ulo)
1/2 kilo large size Pusit o Squid rings
1 kilo Pork Liempo
2 packs Squid Balls
2 cups Tinapa Flakes
5 cups Chicharong Baboy (durugin)
3 tbsp. Achuete Seeds
1 pack Loaf Bread
1/2 cup Patis
6 pcs. Knorr Shrimp Cubes or 1 cup Dinikdik na ulo ng Hipon
2 heads Minced Garlic
2 pcs. medium size Onion (chopped)
Kinchay o celery
10 pcs. Hard boiled Eggs
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. One before lutuin ang pancit, ibabad na ang bihon sa tubig para madaling lumambot.
2. Pakuluan ang pork belly o liempo sa tubig na may asin hanggang sa maluto. Palamigin. Itabi ang sabaw na pinagpakuluan.
3. Sa isang malaking kaldero o kaserola, magpakulo ng tubig. Dapat lubog ang noodles na lulutuin.
4. Kapag kumulo na, ilagay na ang rice noodles o hihon at hayaang maluto. Hanguin sa isang lalagyan at i-drain.
5. Sa isang non-stick na kawali, i-prito sa mantika ang squid balls na hiniwa sa gitna hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
6. Sa parehong kawali, i-prito din ng bahagya ang tinapa flakes. Hanguin sa isang lalagyan
7. Sa parehong kawali, unang i-prito ang bawang hanggang sa mag-golden brown. Hanguin sa isang lalagyan.
8. Sa parehong kawali, i-prito ng bahagya ang hipon (na tinimplahan ng asin at paminta) hanggang sa pumula lang ito. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin. Kung malamig na, hatiin o hiwain sa gitna.
9. Sa pareho pa ring kawali, i-prito din ang pusit (na tinimplahan din ng asin at paminta) hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan at palamigin. Hiwain ng maliliit.
10. Hiwain din ang nilagang liempo o pork belly sa nais na laki.
11. Hiwain din ang loaf bread ng maliliit at ibabad sa tubig. Lamutakin hanggang sa halos matunaw na ang tinapay.
12. Sa isang tulyasi o malaking kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting mantika.
13. Ilagay na agad ang hiniwang liempo. Halu-haluin at hayaang masangkutsa.
14. Isunod na agad ang sabaw na pinaglagaan nito at ang tinunaw na loaf bread.
15. Ilagay na din ang patis, knorr shrimp cubes at katas ng tinunaw na achuete seeds. Halu-haluin.
16. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
17. Patayin ang apoy ng kalan at ihalo ang nilutong bihon. Haluing mabuti hanggang sa ma-coat ng sauce ang lahat ng noodles.
18. Hanguin ito sa isang bilao na may dahon.
19. Isa-isang ilagay ang mga ginawang pang-toppings. Una ang piniritong bawang, tinapa flakes, chicharon, squid balls, hipon, ginayat na pusit, nilagang itlog at chopped kinchay o celery.
Ihain habang mainit pa na may kasamang calamansi.
Enjoy!!!

Comments