DE LATANG SALMON at SOTANGHON


 Kapag ganitong maulan at malamig ang panahon masarap talagang humigop ng mainit na sabaw.   Para sa akin the best yung simpleng sabaw lang pero punong-puno ng flavor o lasa.   At itong recipe natin for today ang tutumbok sa mga sinasabi ko.   Actually, isa ito sa mga childhood dish na naaalala ko na pinapaulam sa amin ng mahal kong Inang Lina.

De latang Salmon (pink salmon) lang ang pangunahing sangkap nito.   May kamahalan kasi kung yung fresh na salmon ang gagamitin.   Hehehehe.  




DE LATANG SALMON at SOTANGHON

Mga Sangkap:
2 big cans Salmon in Oil
50 grams Sotanghon Noodles
1/2 Repolyo (sliced)
5 cloves minced Garlic
1 large Onion (chopped)
1/2 tsp. Maggie magic Sarap
Salt and pepper to taste
2 tbsp. Cooking Oil

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
2.   Sunod na ilagay ang sabaw ng Salmon in can at lagyan din ng nais na dami ng tubig pangsabaw.   Hayaang kumulo.
3.   Kapag kumulo na, ilagay na ang sotanghon noodles at timplahan ng asin at paminta.   Hayaang maluto ang noodles.
4.   Huling ilagay ang salmon at ang ginayat na repolyo.
5.   Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy