PANCIT BATO GUISADO with a TWIST


Nagkaroon ng part 2 ang celebration ng aking kaarawan sa aming tahanan last Sunday.   Lumuwas pa from Bulacan ang aking mga Tiya Lagring, Tita Virgie, Ang aking Ninang Neneng, Pareng Reymond, Leah, kapatid kong si Shirley at Salve para bumati at makisaya sa aking kaarawan.

May niluto pa akong roasted chicken, lumpia embotido, Lapu-lapu with special sauce at itong pancit bato guisado.

Itong Pancit Bato na ito ay nakuha ko lang sa noodles na nabili ko nung pumunta kami ng Bicol nitong nakaraang Linggo.   Nilagyan ko na lang ng twist para lalong sumarap.   Dun kasi sa recipe na nasa label ng noodles sobrang simple lang ang ginawang luto sa pancit.   At komo espesyal ang okasyon at ang kakain, minabuti kong lagyan ito ng twist para lalo pang sumarap.

At tama naman, nagustuhan ng aking mga kamag-anak ang pancit bato na ito na aking niluto.  


PANCIT BATO GUISADO with a TWIST

Mga Sangkap:
500 grams Pancit Bato Dried Noodles
500 grams Pork Belly
1 cup Oyster Sauce
1 pc. Sayote (cut into strips)
3 pcs. Itlog na Maalat
1 tsp. Fresh Ground Black Pepper
1 head Minced Garlic
1 pc. Large Onion (sliced)
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt to taste
6 glasses of Water

Paraan ng pagluluto:
1.   Pakuluan ang pork belly sa isang kaserola na may tubig at kaunting asin hanggang sa maluto at lumambot.
2.  Palamigin ito at hiwain ng maliliit na pa-cubes o strips.   Itabi ang sabaw na pinaglagaan.
3.   Sa isang kawali igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
4.   Sunod na ilagay ang hiniwang pork belly at hayaang medyo pumula ito.
5.   Sunod na ilagay ang sabaw na pinaglagaan ng karne at ang 6 glasses na tubig.   Hayaang kumulo ng mga 5 minuto.
6.   Ilagay na ang oyster sauce at ang pancit bato dried noodles.   Halu-haluin.
7.  Tikman ang sabaw at o-adjust ang lasa.
8.   Kung malapit nang maluto ang noodles ay saka pa lang ilagay ang sayote.   Halu-haluin.
9.  Hanguin sa isag lalagyan at ilagay sa ibabaw ang hiniwang itlog na maalat.

Ihain habang mainit pa na may kasamang toyo na may calamansi.

Enjoy!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy