LOMI at SOTANGHON GUISADO (BAMI)
Nitong nakaraang uwi namin ng Batangas, nag-uwi ulit ako pabalik ng Manila nitong fresh lomi noodles. Sa palengke ng San Jose ko ko ito binili bakgo kami umuwi.
Ang nasa isip kong luto na gawin dito ay pa-guisado na may kasamang sotanghon noodles. May nabasa kasi akong dish sa may parte ng Bisayas na Bami ang tawag. Pancit miki o canton ito na may kahalong sotanghon noodles. May ganito ding klase ng pancit sa mga karatig nating bansa kagaya ng Indonesia.
Hindi ko ito tinawag na bami komo hindi ko naman isinakto ang mga sangkap at ang paraan ng pagluluto sa original na recipes kaya tinawag ko na lang ito Lomi and Sotanghon Guisado. Also, kaunti lang na mga sangkap ang inilagay ko para hindi matabunan ang mga noodles na aking ginamit. At para mas lalong maging katakam-takam ito, nilagyan ko pa ng hard boiled eggs sa ibabaw. Di ba ang sarap tingnan? Try nyo din po.
LOMI at SOTANGHON GUISADO (BAMI)
Mga Sangkap:
1/2 kilo Fresh Lomi Noodles
1/2 kilo Sotanghon Noodles
250 grams Squid Balls (cut into half)
300 grams Pork Liver (sliced)
5 cups Chicken or Pork stocks
1 pc. large Sayote (cut into strips)
4 pcs. Hard Boiled Eggs
5 cloves Minced Garlic
1 pc. large Onion (sliced)
1/2 cup Oyster Sauce
3 tbsp. Cooking Oil
1 tsp. Sugar
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kawali, i-prito muna ang squid balls hanggang sa pumula ng bahagya. Hanguin sa isang lalagyan.
2. Sunod na igisa ang bawang at sibuyas. Ilagay na din ang hiniwang atay ng baboy.
3. Ilagay na ang chicken o pork stock at hintaying kumulo.
4. Unang ilagay ang sotanghon noodles at hiniwang sayote. halu-haluin.
5. After ng mga 2 minuto ilagay na ang lomi noodles at saka timplahan ng asin, paminta at oyster sauce. Ilagay na din ang 1 tsp. na asukal.
6. Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7. Huling ihalo ang nilutong squid balls. Haluing mabuti.
Ihain habang mainit pa na may kasamang calamansi at nilagang itlog sa ibabaw.
Enjoy!!!!

Comments