PANCIT MIKI GUISADO
Isa sa mga paborio kong noodles itong miki. Matagal-tagal na din akong hindi nakakakain nito kaya naisipan kong magluto nito para sa aming almusal.
Sa pancit miki guisado na ito pwede tayong gumamit ng kung ano-anong gulay. Mas gusto ko sana kung patola ang ilalagay kaso wala akong makitang magandang patola sa palengke.
Also, pwede din na lagyan ito ng chili-garlic sauce kung gusto nyo na medyo spicy ang inyong noodles. Yun bang parang yaki sba ang dating.
At syempre, huwag kakalimutan ang calamansi para mas lalo pang sumarap ang inyong pancit.
PANCIT MIKI GUISADO
Mga Sangkap:
500 grams Miki Noodles
1 whole Chicken Breast
4 pcs. Tofu or Tokwa (cut into cubes)
Baguio Beans (cut into 1 inch long)
Carrots (cut into strips)
Sayote (cut into strips)
Pechay Baguio
Celery
3 tbsp. Oyster Sauce
2 tbsp. Soy Sauce
5 cloves Minced Garlic
1 pc. Large Onion (sliced)
1 tsp. Cornstarch
1 tsp. Brown Sugar
1/2 cup Cooking Oil
Salt and pepper to taste
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola pakuluan ang chicken breast sa tubig na may kaunting asin hanggang sa maluto ang manok. Hanguin.....palamigin...at himayin sa nais na laki. Itabi ang sabaw na pinagpakuluan.
2. Sa isang kawali o wok, i-prito ang tokwa hanggang sa maluto. Hanguin sa isang lalagyan.
3. Bawasan ang mantika at magtira lamang ng mga 2 kursara. Igisa ang bawang at sibuyas.
4. Isunod nang ilagay ang hinimay na manok, Baguio beans, sayote at carrots. Halu-haluin.
5. Sunod na ilagay ang sabaw na pinaglagaan at toyo. Tantyahin nyo na lang ang sabaw na ilalagay na sasapat lamang para maluto ang noodles.
6. Ilagay na ang miki noodles, brown sugar at oyster sauce. Halu-haluin para mahalong mabuti ang sahog sa noodles.
7. Tikman ang sauce ati-adjust ang lasa.
8. Huling ilagay ang pechay Baguio, celery at tinunaw na cornstarch. Haluing mabuti.
Ihain habang mainit pa na may kasamang calamansi.
Enjoy!!!!!

Comments