TINOLANG MANOK sa PATOLA at SOTANGHON



Na-try nyo na bang mag-lahok ng patola at sotanghon noodles sa tinolang manok?   Pangkaraniwan kasi hilaw na papaya o sayote ang gulay na ating inilalagay.   Para maiba naman, naisipan kong patola nga at sotanghon naman ang aking inilagay.  First time ko lang ginawa ito at hindi naman ako nagsisisi sa kinalabasan dahil mas masarap at malinamnam ang naging sabaw nito.

Para sa akin, okay lang naman na baguhin ang mga sangkap ng mga nakasanayan na nating luto ng pagkain.   Kahit nga yung pamamaraan ng pagluluto ay okay lang din.  Sa pamamagitan nito, natututo tayo ng iba pang technique para hindi maging boring sa ating nakasanayan na.   Try nyo din po.



TINOLANG MANOK sa PATOLA at SOTANGHON

Mga Sangkap:
1 whole Chicken (cut into serving pieces)
250 grams Chicken Liver
2 pcs. medium size Patola (slice into 1/2 inch thick)
10 grams Sotanghon Noodles
Dahon ng Sili
2 thumb size Ginger (cut into strips)
1 large Onion (sliced)
5 cloves minced Garlic
2 tbsp. Cooking oil
1/2 tsp. Maggie Magic Sarap (optional)
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang heavy bottom na kaserola, igisa ang luya, bawang at sibuyas sa mantika.   Halu-haluin.
2.   Isunod na agad ang manok at timplahan ng asin at paminta.   Haluin at hayaang masangkutsa ito at saka takpan.   Hayaan ng ilang minuto.
3.   Lagyan na ng tubig depende sa nais nyong dami ng sabaw.   Hayaang kumulo.
4.   Kapag kumulo na, ilagay na ang sotanghon noodles at chicken liver.   Hayaan pang kumulo ng mga 5 minuto.
5.   Ilagay na ang patola.  Hayaang maluto.
6.   Huling ilagay ang dahon ng sili at maggie magic sarap.
7.   Tikman ang  ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy