Posts

FRUITY GRAHAM CAKE

Image
Pasensya na kung walang magandang pict ang entry ko na ito for today. Di ba nabanggit ko ko dun sa nauna kong post na sa pagmamadali ko na mai-deliver na ang mga food na ipinaluto sa akin hindi ko na nakuhanan ng pict ang mga ito. Ang fruity graham cake sa pict sa itaas ay yung nasa bandang kanan. Nakakatuwa naman dahil nagustuhan din ng mga ka-office mo ang dessert na ito. Tinatanong nga nila ang recipe nito kaya naman naisipan kong isama na din ito as one of my posting. Actually parang refrigerator cake din siya pero yun nga may cooking na involve dito at nilagyan ko din ng gelatin. Kailangan lang medyo mabilis ang kilos mo dito habang ina-assemble para mas maging maganda ang finish product. Madali lang ito at tiyak kong magugustuhan nyo din. FRUITY GRAHAM CAKE Mga Sangkap: 1 big can Fruitcocktail 1 pack Graham Cracker 1 pc. Egg beaten 1 big can Alaska Condensed milk 1 tetra brick All Purpose Cream 1 cup Sugar 1 sachet Mr. Gulaman powder (tunawin sa 1 tasang tubig...

CREAM DORY FILLET with CHEESY WHITE SAUCE

Image
Ito yung isa sa mga in-order ng aking ka-officemate na si Ms. Dez nung nagpakain siya dito sa office ng kanyang mga staff. Sa hiling na din ng mga nakakain ng dish na ito, naisipan kong i-share na din ang recipe nito at para dito na ri nila tingnan. May negative comment din ako na nakuha sa dish na ito. Medyo napa-alat ata yung batter ko sa fish fillet at yung sa white sauce. Kaya paalala ko na lang na hinay-hinay sa asin lalo na sa iodized salt. In general, masarap ang dish na ito. Ayos na ayos sa mga handaan o sa mga party lalo na ngayon papalapit na ang pasko. Try nyo din. CREAM DORY FILLET with CHEESY WHITE SAUCE Mga Sangkap: 3 kilos Cream Dory (cut into serving pieces) 1 pc. Lemon 1/2 kilo All Purpose Flour 5 pcs. Eggs 1 tetra bricl All Purpose Cream 1 cup grated Cheese 1/2 cup Butter 5 cloved minced Garlic Salt and pepper to taste Cooking oil for frying Paraan ng pagluluto: 1. Sa isang bowl, i-marinade ang cream dory fillet sa asin, paminta, katas ng lemon, lemon zest o...

TAPSILOG - Tapa, Sinangag, at Itlog

Image
Paborito nating mga Pilipino ang silog sa ating mga agahan. Natatandaan ko pa nung mga early 80's na nauso ang mga tapsilog sa lahat halos ng mga kanto dito sa Pilipinas. Mapa-umaga man, tanghali o gabi ay ito ang pabiriotong kainin ng mga pinoy. Kahit naman ngayon. Kahit nga ang mga sikat na fastfood chain mayroon silang mga ganitong pagkain na inihahanda. Silog is short for sinangag at itlog. Yung unang pantig ay depende kung anong ulam ang gusto mo. Tap for beef tapa. Toci for tocino. Bang for bangus. Hot for hotdog. At marami pang iba. Hindi na siguro mawawala sa ating mga carinderia at mga kainan ang mga silog na ito na minahal na ng maraming Pilipino sa mahaba na ring panahon. TAP-SI-LOG (TAPA, SINANGAG AT ITLOG) Mga Sangkap: 6 cups Cooked Rice (mainam yung long grain. Ilagay muna ng overnight sa fridge bago isangag) 1/2 kilo Beef thinly sliced 6 pcs. Egg 1 head minced Garlic 4 tbsp. Vinegar Salt and pepper to taste Cooking oil brown sugar (kung gusto niny...

NOCHE BUENA MENU: Part 3 - Pork Dishes

Image
Here is the 3rd part of my Noche Buena Series for 2011. This time it's the pork dishes that I want to share with you my dear follower. Personal favorite ko yung roasted then braised pork hock. Isama mo na din yung roasted babyback ribs. Ewan ko ba pero gusto ko lahat ang mga selection na ito. hehehehe. Remind ko lang na hinay-hinay pa rin tayo sa pork lalo na yung mataba. Don't forget to take your medicine kung hindi talaga mapigilan. hehehe. Enjoy!!! HERBED ROASTED PORK BELLY - http://mgalutonidennis.blogspot.com/2011/11/herbed-roasted-pork-belly.html ROASTED THEN BRAISED PORK HOCK - http://mgalutonidennis.blogspot.com/2011/05/roasted-then-braised-pork-hock.html ROASTED BABYBACK RIBS - http://mgalutonidennis.blogspot.com/2010/02/baby-back-ribs-in-honey-barbeque-sauce.html PINOY PORK ASADO - http://mgalutonidennis.blogspot.com/2010/01/filipino-pork-asado.html CALDERETANG BUTO-BUTO - http://mgalutonidennis.blogspot.com/2009/09/kalderetang-buto-buto.html TURBO B...

BRAISED CHICKEN in HONEY and FRUITCOCKTAIL SYRUP

Image
Dun sa posting ko about my first attempt na mag-catering, isa sa mga dish na niluto ko ay ang dessert na Fruity Graham Cake. Sa dessert na yun ay gumamit ako ng dalawang lata ng fruitcocktail. At para hindi naman masayang syrup noon, ginamit ko yun para sa dish na ito na entry ko for today. Actually, para din siyang hamonadong manok, yun lang mas matagal ang ginawa kong pagluto dito, para mas pumasok ang lasa ng fruitcocktail syrup sa laman ng manok. Ayos na ayos ang dish na ito lalo na at malapit na ang Pasko at bagong taon. Alam ko marami sa atin ang gagawa ng fruit salad at iba pang gamit ay fruitcocktail. Para hindi masayang ang syrup ayos na ayos ang dish na ito. BRAISED CHICKEN in HONEY and FRUITCOCKTAIL SYRUP Mga Sangkap: 1 kilo Chicken Thigh Syrup from 2 cans of Fruitcocktail 5 cloves minced Garlic 1 large Onion chopped 1 small can Pineapple Chunk 1/2 cup Pure Honey Bee Salt and pepper to taste 1/2 cup Sweet Soy Sauce Paraan ng pagluluto: 1. Timplahan ng asin at pam...

PORK LIVER ADOBO with RED WINE

Image
Isa pa sa mga paborito kong ulam ay itong pork liver steak or adobo. Kaya naman, nang may nakita akong fresh na atay ng baboy ay bumili agad ako ng 1 kilo. Isa lang ang nasa isip ko na gawing luto dito. Ito ay ang i-adobo. Pero para magkaroon ng twist, nilagyan ko ito ng red wine. Mas mainam na yung manamis-namis na red wine ang gamitin. At para magkaroon din ng citrus flavor, nilagyan ko din ito ng katas ng calamansi. Okay naman ang kinalabasan. Take note lang na huwag i-overcooked at titigas ang atay na niluluto ninyo. PORK LIVER ADOBO with RED WINE Mga Sangkap: 1 kilo Pork Liver cut into cubes 1/2 cup Sweet Red Wine 1/2 cup Vinegar 1/3 cup Sweet Soy Sauce 4 pcs. Calamansi 1 head minced Garlic 1 tsp. ground Black Pepper 1 tsp. Maggie magic Sarap Salt to taste Paraan ng pagluluto: 1. Sa kaunting mantika, igisa ang bawang sa kaunting mantika hanggang sa mag-golden brown. 2. Ilagay na agad ang atay, red wive, vinegar, soy sauce, katas ng calamansi, paminta, maggie mag...

CATERING - MY 1ST ATTEMPT

Image
Half-day ako today. Rumaket ako. hehehehe. Nahilingan kasi ako ng dati kong boss na si Ms. Dez na ipagluto ko siya ng lunch para sa kanyang mga staff. Mayroon siyang 60 staff. Syempre ako naman go go go. Raket din ito di ba? hehehe Nagustuhan kasi niya yung inihanda ko nung last birthday ko last September kaya yun din ang menu na ipinaluto niya sa akin. Nadagdag lang ang kanin at fish fillet sa menu. Ang mga niluto ko pala ay ang mga sumusunod: Penne pasta with Creamy Basil and ham sauce, Anton's Chicken, Cream Dory Fillet with White sauce, Arroz Valenciana, at Tofu Chop Suey. Ofcourse may steam rice. Ang dessert naman na ginawa ko ay Refrigerator Cake. As early as 6:00AM ay nagsimula na akong magluto. Natapos naman ako ng mga bandang 10:45. Timing naman at nang makatapos ako ay dumating naman ang susundo sa mga pagkain. Yun lang, medyo kinulang ang food para sa lahat ng staff ni Ms. Dez. Siguro yun ang dapat kong aralin. Yung pag-estimate ng dami ng...