MARUYA (Banana Fritters)


Isang pinoy na pinoy na pang-meyenda ang handog ko sa inyo sa araw na ito. Simple pero masarap na pang-meryenda na tiyak kong magugustuhan ng m,ga bata.

Sa totoo lang, habang kinakain ko ito, nagbalik sa ala-ala ko yung panahon noong bata pa ako. Nagluluto nito ang aking Inang Lina at itinitinda namin sa harap ng aming bahay habang bakasyon at para may kita kami pagpasok namin ng paaralan. Kung baga summer job namin ito noong araw.

Masarap kainin ito na may kasamang palamig na sago at gulaman o kaya naman ay mainit na tsa-a.


MARUYA (Banana Fritters)

Mga Sangkap:
8 pcs. Hinog sa Saging na Saba
1/2 cup sugar
2 cups Harina
2 egg
1 cup cold water
cooking oil

Paraan ng pagluluto:
1. Hiwain ang saging na saba ng pahaba (Pagtatluhin ang hiwa)
2. Sa isanhg bowl, paghaluin ang itlog, harina, asukal at malamig na tubig. Batihing mabuti hanggang sa mawala na ang buo-buong harina.
3. Sa isang non-stick na kawali, magpakulo ng mga 1/2 tasang mantika.
4. Sa isang platito, maglagay ng 3 slice na saging na saba ma inilubog sa batter. Lagyan pa ng kaunitng batter ang saba.
5. I-prito ito hanggang sa mag-golden brown ang kulay.
6. Hanguin sa paper towel bago idampi sa puting asukal.

Ihain kasama ang paborito nyong palamig o kaya naman ay mainit na tsa-a

Enjoy!!!!

Comments

Lady Patchy said…
nakakamiss ang maruya .bihira kasi ang saging na saba dito sa Qatar.kung meron man di kasing sarap nung sa atin sa Pinas.
Dennis said…
Kagaya nga nung nasabi ko...nostalgic ang pakiramdam ko nung kinakain ko na ito...hehehehe

Try mo din maglutio nito dyan...


Dennis
i♥pinkc00kies said…
i like this too but we seldom cook one at home :) also camote-q!!!

hehe, they'd always cook banana-q or turon coz it's easier to prepare.
Cool Fern said…
sarap naman nito..
miss this

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy