SLICED BEEF with SPICY LIVER SAUCE


Nitong isang araw, tinanong ko ang asawa kong si Jolly kung anong ulam ang gusto niya for dinner. Unang sinabi niya ay beef steak. Pero sinabi niya na bahala na daw ako. Basta lang daw huwag yung masyadong mataba.

Habang papauwi ako, hindi ko talaga maisip kung ano ang iluluto ko na ulam. Kaya nung dumaan ako sa palengke, tig-1/2 kilo na beef at pork ang nabili ko. Unang naisip kong iluto nung time na yun ay yung ginataang baboy na may sili. Yung parang Bicol express. Pagkakataon na kako na magluto ako ng medyo maanghang ngayon komo wala ang mga bata. So ang ginawa ko bumili na din ako ng mga sangkap para ditto.

Nung time na magluluto na ako, nakita ko sa cabinet namin yung bagong product ng Del Monte na Tomato Sauce na may liver spread. Nakita ko din yung natitira pang chili garlic sauce. At the last minute, naiba ang plano kong lulutuin. Hehehehe

Actually, parang caldereta ang dish na ito. Pero komo nga wala naman ako sa fridge ng iba pang mga sangkap na kailangan sa caldereta, tinawag ko na lang na ganito ang dish na ito. Dahil nilagyan ko ito ng dried thyme na magaling sa mga pagkain may sauce, naging mas masarap siya at nalayo na ng kaunti sa caldereta.

Try nyo ito….masarap talaga.


SLICED BEEF in SPICY LIVER SAUCE

Mga Sangkap:
½ kilo Thinly sliced Beef
1 tetra pack Del Monte Tomato sauce with liver spread
1 large Potato cut into cubes
1 tsp. Lee Kum Kee Chili garlic dauce
4 cloves minced Garlic
1 medium Onion sliced
1 tbsp. Olive oil
½ tsp. Dried Thyme
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa kaunting olive oil.
2. Ilagay ang hiniwang karne ng baka. Timplahan ng asin at paminta. Lagyan ng tubig at takpan. Hayaang maluto ang karne hanggang sa lumambot na ito. Maaring lagyan pa ng tubig kung kinakailangan.
3. Kung malambot na ang karne, ilagay ang patatas at tomato sauce na may liver spread.
4. Ilagay na din ang chili garlic sauce at dried thyme. Halu-haluin. Hayaan kumulo hanggang sa maluto ang patatas.
5. Tikman at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Bossing maanghang ba talaga? Kasi "spicy" ang nasa label, baka hindi makaya ng asawa ko ang anghang hehehe.
Dennis said…
Hi J,

Yung nasa recipe tamang-tama ang ang pagka-anghang niya...as in makakaya ng wife mo. Yung wife ko nga nagustuhan din.

Kung gusto mo ng mas manghang, just add a little more of chili garlic sauce.

Sarap nito talaga...hehehehe


Dennis

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy