MISUA SOUP with CANNED MACKEREL and POUCH EGG
Importante sa bahay na kahit papaano ay mayroon tayong stock na mga de lata o kaya naman ay yung pagkaing madali lang iluto.
Hindi lamang magagamit ito kung may mga bagyo o masamang panahon. Okay din ito sa mga biglaang sitwasyon katulad nitong nangyari sa amin last Friday.
Komo Biyernes nga, mahirap kumuha ng sasakyan at sobrang traffic, late na kami nakauwi ng mga bata mula sa school nila. At isa pa, nakalimutan kong magpalabas mula sa fridge ng lulutuing ulam sa aking asawa.
Kaya ang nangyari, sa de lata nauwi ang ulam namin for dinner. At ito ang entry natin for today. Simple pero masarap.
MISUA SOUP with CANNED MACKEREL and POACHED EGGS
Mga Sangkap:
1 big can Mackerel in oil
5 pcs. Fresh Eggs
1 pc. Misua noodles
1 large Tomato Slices
1 medium size Onion chopped
4 cloves Minced Garlic
Salt and pepper to taste
½ tsp. Maggie magic Sarap
Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika.
2. Ilagay na agad ang sabaw ng canned mackerel. Lagyan ng mga 4 na tasang tubig at hintaying kumulo.
3. Ilagay ang misua at halu-haluin.
4. Hinaan ang apoy at isa-isang ilagay ang itlog (without the shell ha) na magkakalayo sa kaserola.
5. Hayaang maluto muna ang itlog saka ilagay ang laman ng mackerel.
6. Timplahan ng asin, paminta at Maggie magic sarap ayon sa inyong panlasa.
Ihain habang mainit pa.
Enjoy!!!
Comments