PAN-FRIED TANIGUE in OLIVE OIL
Nitong nakaraang Father's Day, kahit dapat rest ako ng araw na ito, (hehehehe) naisipan kong sanang magluto ng espesyal na dinner para sa aking pamilya. Kaya nung araw na iyon sa aking pag-go-grocery, bumili ako ng medyo may kamahalan na isda na tanigue na hindi ko pa naman alam nung time na yun kung anong luto ang gagawin ko.
Kaso, sa dami ng nakain namin nung lumabas kami ng araw na yun, napag-desisyunan na wag na lang lutuin ang isdang ito at kumain na lang ng light snack.
Kaya ang nangyari nitong nakaraang araw ko lang nailuto ang napakamahal na isdang ito. hehehehe. Imagine, 3 slices lang siya pero P320 pesos ang halaga.....hehehehe. Okay lang father's day naman....hehehehe
Sa ganitong klase ng isda, mainam na hindi lagyan ng kung ano-anong herbs and spices. Natatabunan kasi yung tunay na sarap ng isda. Kaya naman ang ginawa ko dito, tinimplahan ko lang ng asin at paminta at saka ko pinirito sa olive oil. Healthy si ba?
Take note, dapat malakas ang apoy ninyo habang piniprito ang isdang ito. Dapat pumula lang ang magkabilang side para hindi matuyo at maging juicy pa rin ang laman ng isda.
At para naman may katerno ang isdang ito, nag-gisa lang ako ng sayote at carrots at nilahukan ko ng leftover na fried chicken. Simple pero masarap ang kinalabasang lasa.
Kaya naman busog na busog kami sa dinner naming ito.
Enjoy talaga... :)
Enjoy talaga... :)
Comments
Thanks tatess