TAPUSAN sa MAYO 2010

Ang May 31 ang tinatawag na Tapusan sa bayan ng aking asawang si Jolly s San Jose Batangas. Ito ang huling araw nang ginagawa nilang araw-araw na pag-aalay ng bulaklak sa Mahal na Birheng Maria.

Sa huling araw na ito ay nagkakaroon ng Banal na Misa sa umaga at sa hapon naman ay ang prusisyon at ang pag-aalay ng bulaklak.

Ang prusisyon ay iniikot sa buong nasasakupan ng barangay at habang nagpu-prusisyon ay nagdaraal ng santo rosaryo.


Pagkatapos ng prusisyon ay nagsasaboy ng bulaklak ang mga kabataan at isa na dito ang aking anak na si Anton.

Ang imahe ng Mahal na Birhen ng Delos Flores.


Syempre, masaya ang lahat pagkatapos ng alayan.



At syempre pagkatapos ng alayan ay ang kainan sa mga bahay na may handa. hehehehe
Happy Fiesta sa lahat ng taga San Jose, Batangas.

Comments

J said…
May pagka-kwela pala ang bunso mo... tingnan mo ang pose nya sa last pic hehehe.
Dennis said…
Sinabi mo J....sabi nung mga tiyo tiya namin dun ay maghanda na daw ako ng pam-piyansa....hehehehe..may pagkapilyo daw....hehehehe.

Pero alam mo ba na delayed speech siya? 3 yo na siya pero di pa marunong mag-salita. Ayun ng matuto naman, sumobra naman....hehehehe


Dennis
J said…
Ahehehe bumawi pala si bunso. You have such a beautiful family, bossing! God bless!
Dennis said…
Thanks J....sila ang kayamanan ko....hehehe. Hindi ko lang talaga siya mapataba ng mga niluluto ko. Pero tingnan mo yung panganay at pangalawa, ang tataba...hehehehe.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy