NILAGANG MANOK

Kapag ganitong maulan, tatlong bagay ang masarap gawin: matulog, kumain at humigop ng mainit na sabaw. Hehehehe

Tamang-tama itong dish na handog ko sa inyo for today. Ang napaka-simpleng Nilagang Manok. Ang nilaga marahil ang pagkaing kahit hindi marunong magluto ay kayang gawin. Bakit naman hindi, basta pakuluan lang ang lahat na mga sangkap at timplahan ng pampalasa ay tapos na ang inyong mainit na sabaw.

But ofcourse ano ba ang dapat tandaan kapag nilaga ang ating lulutuin? 1 bagay lang. Dapat fresh ang mga sangkap na gagamitin. Otherwise, hindi masarap ang kakalabasang sabaw nito.

Try this Nilagang manok. Ayos na ayos ito ngayong tag-ulan.

Note: Hindi ko na nilagyan ng dami ng mga gulay na ilalagay. Bahala na kayo kung gaano karami ang gusto ninyo


NILAGANG MANOK

Mga Sangkap:
1 whole Fresh Chicken cut into serving pieces
Repolyo
Pechay tagalog
Baguio Beans
Patatas cut into cubes
Carrots cut into cubes
1 thumb size Ginger sliced
1 tsp. Whole Pepper corn
1 large White Onion quatered
salt or patis to taste

Paraan ng pagluluto:
1. Sa isang kaserola, ilagay ang manok, sibuyas, luya, asin at paminta. Lagyan ng tubig na pangsabaw. Pakuluan ng mga 10 minuto.
2. Unang ilagay ang patatas at carrots. Takpan muli at hayaang maluto.
3. Sunod na ilagay ang baguio beans.
4. Huling ilagay ang repolyo at pechay.
5. Tikman ang sabaw at i-adjust ang lasa.

Ihain habang mainit pa ang sabaw.

Enjoy!!!

Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy