CRISPY FRIED LIEMPO
Nung unang inilabas ng Chowking yung Chinese Style Fried Chicken nila, na-curious talaga ako, kung papaano nila ito nagawa at yung sang na ipinang-marinade nila. Masarap kasi as compare dun sa fried chicken ng ibang kilalang fastfood.
Until mapanood ko yung commercial ulit ng Chowking na si Boy Abunda yung nagtatanong sa Chef kung ano nga ang sekreto ng fried chicken nilang ito. Hindi rin sinabi kung ano nga ang sekreto pero ipinakita kung ano ang inilalagay sa chicken para maging extra crispy ito.
Sa tingin ko ay rice flour na ginawang batter ang ipinang-coat sa chicken para maging crispy ito. At yun nga ang ginawa ko sa pork liempo na ito na iniulam at binaon ng mga kids ko nitong nakaraang araw. Hindi man perfect o kahawig sa lasa ng nasa chowking, pero malutong nga ang kinalabasan ng fried pork liempo kong ito. Pwede nyo ding subukan. hehehehe
CRISPY FRIED LIEMPO
Mga Sangkap:
1/2 kilo Pork Liempo (cut into about 3 inch long)
3 tbsp. Sesame Oil
Salt and pepper to taste
For the batter mix:
Rice Flour
Cold Water
Maggie Magic Sarap
salt and pepper to taste
Cooking oil for Frying
Paraan ng pagluluto:
1. I-marinade ang hiniwang liempo sa asin, paminta at sesame oil. Hayaan ng ilang sandali.
2. Sa isang bowl, paghaluin ang rice flour, asin, paminta, cold water at maggie magic sarap. Wala akong measurement o sukat na inilagay. Basta ang kailangang tandaan lang ay dapat malapot ang batter mix para kumapit ng husto sa liempo.
3. I-lubog ang liempo sa ginawang batter mix at i-prito ng lubog sa mantika hanggang sa mag-golden brown ang kulay ng magkabilang side.
4. Hanguin sa lalagyang may paper towel.
Hiwain sa nais na laki at ihain na may kasamang Mang Tomas Sarsa ng lechon o catsup.
Enjoy!!!!
Comments
Thanks for the visit.
Thanks for the visit
Thanks for the visit..pakilala ka naman....hehehe
Para sa crispy pata...una dapat batang baboy ang patang gagamitin. Mapapansin mo ito kung medyo may kakapalan ang balat. Pangalawa, pakuluan ito sa tubig na may maraming asin... Lagyan din ng bawang, sibuyas, paminta, dahon ng laurel o tanglad hanggang sa lumambot. Palamigin muna. Tusuk-tusukin din ng tinidor o kutsilyo ang paligid na balat ng pata sa ilagay sa freezer. I-prito ito ng lubog sa mantika. Pwede din na lutui sa oven o turbo broiler.
Check mo din ang ilan sa crispy pata recipe ko sa archive under pork label.
Thanks
Dennis
Natutuwa ako dahil nakakatulong ako kahit papaano sa iyo. I hope i-share mo din ang blog na ito sa iyong mga kaibigan at kamag-anak.
Thanks Again.