CHICKEN SISIG ala DENNIS


Noon ko pa gustong magluto ng Sisig sa bahay.   Ang problema wala naman kaming sizzling plate.  Hehehehe.   Actually, hindi naman talaga yun ang problema.   Nag-aalangin lang akong magluto nito komo parang naka-classify ito na pagkaing pam-pulutan.   Although, naka-tikim na ng sisig ang mga anak ko na bigay ng kapitbahay, hindi pa talaga ako nakapag-try na magluto nito as in from scratch.

In this recipe, chicken thigh fillet ang ginamit ko sa halip na pork.   Less guilt baga.   hehehehe.    Before ko niluto ang chicken sisig na ito, tiningnan ko muna ang recipe nito sa Internet.   Hindi ako nagtaka na katulad ng adobo, napakaraming version o recipe ang masarap na sisig na ito.   Depende na siguro sa taste ng magluluto at kakain, endless ang recipes sa Sisig.   Ang ginawa, pinili ko na lang yung pinaka-madali at yung hindi masyadong maanghang.  Baka kasi hindi makain ng mga bata kung too spicy ang kakalabasan.

Masarap ang Chicken Sisig na ito.   Tamang-tama na pang-ulam at pam-pulutan na din.   Kung gagawing pam-pulutan, mas mainam na dagdagan ng siling labuyo ang inyong recipe para mas may sipa sa mga kakain.   Hehehehe.


CHICKEN SISIG ala DENNIS

Mga Sangkap:
1 kilo Chicken Thigh Fillet (skin-on)
300 grams Chicken Liver
8 pcs. Calamansi
1 cup Mayonaise
1 large Red Bell Pepper
1 large White Onion (chopped)
2 thumb size Ginger (finely chopped)
1 tbsp. Worcestershire Sauce
1 tbsp. Liquid Seasoning
1 tsp. Maggie Magic Sarap
2 tbsp. Canola Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin at paminta ang chicken thigh fillet at chicken liver.   hayaan ng mga ilang minuto.
2.   Sa isang non-stick na kawali, i-pan-grill ang chicken fillet hanggang sa pumula ng bahagya ang magkabilang side ng chicken fillet.   Ganun din ang gawin sa chicken liver.   Hanguin sa isang lalagyan at palamigin sandali.
3.   Hiwain ng maliliit ang inihaw na chicken  fillet at chicken liver.
4.   Sa parehong kawali, igisa ang luya at sobuyas sa mantika.
5.  Ilagay na ang hiniwang chicken fillet at liver.   Halu-haluin.
6.   Ilagay na din ang red bell pepper, worcestershire sauce at timplahan ng konting asin, paminta at maggie magic sarap.
7.   Huling ilagay ang liquid seasoning at mayonaise.

Maaring ilagay sa sizzling plate ang sisig at lagyan ng whole fresh egg sa ibabaw.

Enjoy!!!!

Comments

J said…
Yes kuya, sarap ng sisig mo!
Dennis said…
Yes J....masarap nga ito...pang-ulam man o pulutan....heheheh

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy