CREAMY PORK BINAGOONGAN




Isa sa mga pork dishes na gustong-gusto ko ay itong pork binagoongan.   Gustong-gusto ko yung medyo anghang nito at yung malinamnam na lasa ng gata.   Syempre the salty taste ng bagoong alamang.

Kaya naman gusto kong pawiin ang aking craving sa dish na ito, in-schedule ko talaga na magluto nito nitong nakaraang araw.   Sa kalituhan na rin siguro, di pala ako naka-bili ng gata ng niyog.  Sabagay wala naman palang fresh na gata sa supermarket....hehehehe.

Napurnada pa ata kako ang aking pork binagoongan.   Lulutuin ko sana ito na wala nang gata.   Pero nasulyapan ko itong isang tetra brick ng all purpose cream.  Iniisip ko, pwede naman siguro na cream na lang ang ilagay ko sa binagoongan na ito.   At yun na nga ang nangyari.   Isang masarap na creamy pork binagoongan ang nabuo.   Masarap, malinamnam at gustong-gusto ko talaga.   Two days nga ito ang baon kong ulam sa office.   hehehehe


CREAMY PORK BINAGOONGAN

Mga Sangkap:
1 kilo Pork Kasim or Pigue (cut into cubes)
1/2 cup Bagoong Alamang (sweet style)
1 tetra brick All Purpose Cream
5 pcs. Siling pang-sigang
5 cloves minced Garcli
1 large Onion (chopped)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
3 pcs. Eggplant (sliced)
5 tbsp. Canola Oil
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Sa isang kawali, i-prito ang talong sa mantika hanggang maluto ang pumula ang magkabilang side.   hanguin muna sa isang lalagyan na may paper towel.
2.   Sa parehong kawali, i-prito ng bahagya ang pork cubes hanggang sa pumula ng bahagya ang mga sides.
3.   Itabi ng konti ang piniritong pork cubes at igisa ang bawang at sibuyas.
4.   Timplahan ng konting asin, paminta at mga 3 tasang tubig.   Takpan at hayaang lumambot ang karne.
5.   Kung malapit nang lumambot ang karne, ilagay na ang bagoong alamang at siling pang-sigang.   Takpan muli at hayaan  ng mga 5 minuto pa.   Kung kakaunti na ang sabaw, maaring lagyan pa ng tubig.
6.   Huling ilagay ang all purpose cream at maggie magic sarap.   Tikman ang sauce at i-adjust ang lasa.
7.   Hanguin sa isang lalagyan at ilagay sa side ang piniritong talong.

Ihain habang mainit pa.

Enjoy!!!!

Comments

Anonymous said…
this one i will surely try... favorite ko kasi ang binagoongan and medyo kakaiba ito because of the cream...thanks..(claire)
Dennis said…
Yes Claire try it....for sure magugustuhan mo din ang version na yan. :) Thanks for the visit.

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy