MY SON JAKE 14th BIRTHDAY
Last Saturday September 22, My son Jake celebrated his 14th birthday. Syempre, pwede bang hindi maghahanda ang Daddy at Mommy niya for this very special occasion. Hehehehe
This time wala naman special request ang may birthday kung anong food ang gusto niyang lutuin ko. Basta humingi lang siya ng extra na allowance at maglilibre daw siya ng mga classmates niya. Hayyy....napalaki pa ang gastos ko....hehehehe. Pero okay lang. Expected ko na din naman ang ganun komo nagbibinata na ang panganay ko.
Syempre hindi mawawala ang cake. Yun lang medyo cheap itong nabili kong cake komo short na ako sa budget. hehehehe. Pero ok din naman itong cake na ito. Chocolate Caramel Decadence ata ang tawag dito.
Hindi rin pwedeng mawala ang noodles o pasta dish kapag may birthday. Komo alam kong mas gusto ng may birthday ang white sauce sa pasta, itong Linguine pasta with bacon and white sauce ang niluto ko.
Meron ding Crispy Pata at lechon kawali komo nabitin naman kami nung last birthday ko. Kaya eto dinamihan ko na. hehehehe
Pang-dagdag nagluto din ako nitong breaded fried chicken in the simpliest form. hehehehe. Asin, paminta at seasonings lang kasi ang inilagay ko dito.
Hindi nawala for the 5th time itong Crab and cucumber spring roll ko. Sabi nga nung kumare kong Olive sa aking FB account, siguro daw ay masarap talaga itong spring roll na ito dahil hindi nawala sa aking menu. Oo naman ang sagot ko dahil hit palagi ito sa aking mga bisita.
Wala naman kaming ibang bisita kundi ang aking kapitbahay at ilang kaibigan. Ganun pa man ay naging masaya ang celebration ng birthday ng aking panganay na anak.
14 years old na aking aking anak na si Jake. Parang kailan lang nung siya ay ipinanganak. Hindi ko mawari ang aking pakiramdam nung una ko siyang nasilayan. Sa isip ko, may anak na ako? hehehehe. Parang hindi ako makapaniwala noon na ako ay isang ama na.
Mula noon, hindi ko nakakalimutan na magpasalamat sa biyayang ito sa akin ng Diyos. At bilang pagpapasalamat, ipinaghahanda ko sila sa abot ng aking makakaya.
Patuloy akong dumadalangin sa Diyos na sana ay magkaroon pa siya ng maraming kaarawan, magkaroon ng magandang kalusugan, ilayo sa mga sakit at kapahamakan, at makatapos ng pag-aaral. Sa biyaya ng Diyos....AMEN.

Comments