BROILED BANGUS STUFFED with PORK ADOBO, TOMATOES and ONIONS

All time favorite ng aking pamilya itong inihaw na bangus.   In our case pala, broiled kasi di naman pwedeng mag-ihaw sa baga sa condo na tinitirhan namin.   Hehehehe.

Marami na akong flavor ng bangus na inihaw na ito sa archive.   May nag-email pa nga sa akin na naging standard na sa kanilang bahay ang recipe na inihaw na bangus na may kasamang cheese.   Nakakatuwa naman.

This time, hinaluan ko naman ng adobong baboy ang palaman na inilagay ko sa bangus.   May natira pa kasing pork adobo sa fridge at para di masayang hinwa ko ito ng maliliit na ipinalaman ko nga.   Tamang-tama dahil malasa at masarap ang adobong ito.   ayus na ayos na nag-blend yung flavor sa kamatis at sibuyas na kasama.   Try nyo din po.


BROILED BANGUS STUFFED with PORK ADOBO, TOMATOES and ONION

Mga Sangkap:
2 pcs. Medium to large size Boneless Bangus
5 pcs. large Tomatoes (cut into small cubes)
2 pcs. large White Onions (chopped)
2 cups Pork Adobo (cut into small cubes)
1 tsp. Maggie Magic Sarap
Salt and pepper to taste

Paraan ng pagluluto:
1.   Timplahan ng asin, paminta at magie magic sarap ang boneless bangus.   Hayaan ng ilang sandali.
2.   Sa isang bowl paghaluin ang hiniwang pork adobo, kamatis at sibuyas.
3.   Ipalaman ito sa boneless bangus at saka balutin ng aluminum foil.
4.   Lutuin sa turbo broiler sa pinaka-mainit na setting sa loob ng 30 to 45 na minuto.

Ihain habang mainit pa na may kasamang sawsawang calamansi na may toyo at sili.

Enjoy!!!!!


Comments

Popular posts from this blog

FOOD SUGGESTIONS para sa mga MAHAL na ARAW

KARE-KARE

Sinigang na Baboy